Ayon kay Chapter Administrator Dorie P. Cabela, upang maging kasapi ng Galloners Club, ang isang blood donor ay kinakailangang nakapaghandog na ng hindi kukulangin sa isang galong dugo na karaniwang matatamo pagkatapos na makapaghandog ng walong (8) ulit na isinasagawa tuwing ikatlong buwan. Sa ang isang normal na tao ay nakukunan ng hanggang 500 cubic centimeters sa bawa’t extraction.
Ang isa sa kilalang tao na miyembro ng Galloners Club ay si dating Pangulong Fidel V. Ramos, na kaya lamang tumigil ng paghahandog ng dugo ay ng dumating na siya sa gulang na labag na sa alituntuning siya ay kunan.
Sa pahayag na isinahimpapawid ng CELESTRON Cable Television, sinabi ni Dr. Eman Loyola na ang lahat ng tao na normal ang kalusugan ay dapat maghandog ng dugo sa isang blood bank. At tulad sa isang bangko, ang isang naglagak ng dugo sa blood bank ay siya rin ang makikinabang sa paglakad ng panahon, sapagka’t sa maraming pagkakataon, ang isang blood donor ang dumarating ang pagkakataong siya rin ang gumagamit ng kanyang inilagak upang madugtungan ang kanyang buhay.
Ayon kay Galloners Club President Eman Loyola, mabuting magbahagi ng dugo. Magbigay para ang iba ay madugtungan ng buhay, na maaaring ang binabanggit na ibang buhay ay ang iyong sariling buhay (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment