Dapat ding makatotohanang isinasapuso ng mga kawani, lalo na ng mga nagsisipaglingkod sa tanggapan ng kalusugan at ng kagalingang panglipunan, ang Panunumpa ng mga Kawani ng Gobierno na itinatagubilin ng Civil Service Commission. na “papasok na maaga, at maglilingkod ng higit sa oras.”
Napapansin ni Alvarez na sa bawa’t pagkakataon na ang Liga ng mga Barangay ang nagtataguyod ng palatuntunan sa pagtataas ng walawat sa “municipio,” ay maagang dumarating ang mga dadalong punong barangay at kagawad ng sangguniang barangay kaysa takdang oras, at maging sa pag-awit ng Bayang Magiliw ay malakas at buo ang kanilang mga tinig.
Gayon pa man, nagpapaalaala rin naman ang pangalawang punumbayan sa mga hepe ng tanggapan na kung ang flag ceremony ay aabutin ang office hour, ay kinakailangang magtatalaga ng tauhang titigil sa kanilang tanggapan upang sumagot sa mga tawag sa telepono, para huwag namang akalain ng mga mamamayan na oras ng dapat ay bukas na ang tanggapan ay wala pa ang mga tauhang dapat ay naglilingkod roon. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment