CALAMBA CITY – Ang Chief Social Insurance Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naka-base sa lunsod na ito ay ibinilang na kasapi ng inter-agency body sa pag-uugnay-ugnay ng Calamba City Satellite Office ng Philippine Overseas Employment Office (POEA) na nagkakaloob ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) upang matiyak na nauunawaan ng mga bagong Overseas Filipino Workers ang kanilang mga karapatan at pananagutan bilang mga manggagawa sa labas ng bansa, tulad ng health insurance coverage, sang-ayon kay Chief Social Insurance Officer Arturo “Atoy” C. Ardiente ng PhiulHealth Calamba City Service Center.
Ayon kay Ardiente, isang pangangailangan na ang isang OFW bago mapagkalooban ng Overseas Employment Certificate (OEC) ay nakatala na sa PhilHealth sa ilalim ng palatuntunang dating pinangangasiwaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kaya ang premium na kanilang binabayaran ay P900 lamang para sa isang taon proteksyon.
Sa dahilang ang enrolment sa PhilHealth ng mga OFW ay may bisa lamang sa loob ng isang taon, nagpapaalaala si Ardiente sa mga OFWs o sa kanilang mga kaanak na naiiwanan sa bansa, na tiyaking ito ay nari-renew bago dumating ang expiration date nito upang maging tuloy-tuloy na natatamasa ang kanilang pribilihiyo sa ilalim ng umiiral na health insurance program sa Pilipinas. Ang nabanggit na renewal of enrolment ay maaaring isagawa saan mang service center ng PhilHealth saan mang panig ng bansa.
Bagama’t inaasahang ang mga pinaglilingkuran ng PhilHealth-Calamba Service Center ay mga nabibilang sa formal sector o ang mga empleyado at manggagawang may buwanag kita o sahod, maging ito ay nasa palingkuran ng pamahalaan o nasa mga pribabdong institusyon, nabanggit ni Ardiente na sa kanilang lawak ay maraming naipatatalang mga nabibilang sa informal sector o yaong ang gawain ay binabayaran ang aktwal na ipinaglilingkod, tulad ng mga karpintero, mason, tubero, at iba pang namamakyaw ng gawain, gaya ng mga humihingi ng upa para magtabas o maglinis ng mga bakuran. Ang iba naman ay yaong mga miyembro ng mga kilusang bayan o kooperatiba.
Halimbawa, iniulat ni Ardiente na sa lawak ng kanyang pananagutan ay nagsisipagpatala ang mga miyembro ng Ahon Sa Hirap, Inkorporada na may mahigit sa 5,000 kasapi. Ang samahan ay binabayaran ng cash ang yearly premium na P1,200, upang ito ay hulugan sa kanila ng kanilang mga ipinatalang miyembro. Ganoon din ang pakikipag-ugnayan ng Center for Community Transformation, Inc.
Ang Ahon Sa Hirap, Inc. at
COMMENT LANG PRA S EMPLEYADO NG PHILHEALTH, CLA ANG DI MARUNONG SUMUNOD SA POLICIES, KAYA NGA MY NUMBERINGS! INUNA PA UNG NAUNA SAKIN, 20 AKO 21 ANG TINAWAG, SABI PA NAKAKAHIYA NAMAN SA TINAWAG NIYA! TAE SIA! SA SUSUNOD MAG EMPLOY KAYO, CGURDUHIN NIO KRAPATDAPAT!
ReplyDelete