
Nanganganib na ganap ng matuyo ang puno (naka-inset) ng lauan (Shorea Negrosensis) na itinanim ni Mayor Marciano Brion Sr. noong Mayo 7, 1950 sa ngayon ay harapan ng barangay hall ng Barangay V-B,at ng BJMP District Jail upang payak na maipagdiwang ang ika-10 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lunsod ng San Pablo na noong mga panahong yaon ay nagsisimula pa lamang makabangon mula sa malaking kapinsalaang tinamo nito dahil sa nagdaang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May mga umaasang ito ay maipahahayag na isa ng “heritage tree.” dahil sa ito ay bahagi na ng kasaysayan ng pamayan.(Ben Taningco)
Comments
Post a Comment