Nagpapaalaala si Gng. Paz T. Dinglasan, officer-in-charge ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod, na simula sa darating na Enero 2009, ang lahat ng kukuha o tutubos ng business permit and license, na lalong kilala sa katawagang Mayor’s Permit, ng lahat ng nangangalakal o nagminegosyo sa lunsod na ito, original or renewal application, ay kinakailangang magharap ng Certificate of Registration mula sa Bureau of Intenral (BIR), at Clearance mula sa Social Security System (SSS)
Ito ay karagdagan sa dati ng pangangailangan, tulad ng barangay clearance, registration of business names, at special licenses batay sa uri ng negosyo na kanilang pinangangasiwaan.
Pag-alinsunod sa mga umiiral na batas sa pagninegosyo sa buong bansa, ang renewal of business permit and license ay dapat isagawa sa Enero 2 hanggang 20 ng bawa’t taon, at pagkalipas ng panahong ito ay lalapatan na ng multa ang lahat ng mahuhuli sa paglalahad ng kanilang kahilingan.
Dahil ditto, nagpapayo si Gng. Dinglasan na upang makaiwas sa suliranin pagtubos ng lisensya sa panahong siksikan na ang aplikante, makabubuting ang nabanggit na mga kasulatan ay asikasuhin na ngayong buwan ng Disyembre.
Para sa kaukulang pagpapayo, ay maaaring makipag-ugnayan kay OIC Paz T. Dinglasan sa Business Permit and License Division ng Office of the City Mayor na nasa Window 8 sa One Stolp Processing Center. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment