
Sa flag ceremonies sa city hall noong Lunes ng umaga, ay pormal na kinilala ni Mayor Vicente B. Amante ang pagkapaghandog ng isang kompletong yunit ng anaesthesia machine sa San Pablo City General Hospital ng Philippine American Medical Society of Western Pennsylvania na kasalukuyang pinangunguluhan ni Dr. Rogelio Irlandez Borja, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng isang plake na nagpapadama ng pagpapahalaga at pasasalamat sa lipunan ng mga manggagamot na nasa puso ang pagtulong sa kanilang mga kababayan sa pamayanang kinakitaan nila ng unang liwanag.
Sina Engineers Emmanuel Briñas at Roberto I. Borja ang kumatawan sa lipunan ng mga manggagamot sa pagtanggap ng plake ng pagpapahalaga. (Ben Taningco)
Comments
Post a Comment