Skip to main content

Posts

Showing posts from October 1, 2008

GAWAIN SA ABROAD. IAALOK SA JOBS FAIR

SAN PABLO CITY – Maiuugnay sa paggunita ng kaarawan ni Mayor Vicente B. Amante, ang Pangasiwaang Lunsod ng San Pablo, kasama ang Sangguniang Panglunsod, sa koordinasyon Department of Labor and Development-Region IV- A (CALABARZON) at ng San Pablo City Public Employment Services Office (PESO), ay magtataguyod ng isang Jobs Fair sa darating na Biyernes, Oktubre 24, sa PAMANA Hall sa harapan ng One Stop Processing Center simula sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Sang-ayon kay City Administrator Loreto S. Amante, concurrent PESO Manager, may mga recruitment agencies silang inanyayahang ang iaaalok ay gawain sa labas ng bansa o overseas placement, bagama’t ang marami ay para sa local or domestic placement. Dahil dito, nagpapaalaala si PESO Manager Amben Amante sa mga lalahok na makabubuting sa kanilang pagtungo sa jobs fair ay may nakahanda na silang information sheet, community tax receipt (o cedula), birth certificate, NBI Clearance, at kung mayroon na ay d...

PALATUNTUNAN NG ALAMINOS FIESTA, IPINAHAYAG NA

ALAMINOS, Laguna - Pormal na ipinahayag ni Chairman Vladivir A. Flores ng Comite de Festejos 2008 ang schedule of activities sa pagdiriwang ng Alaminos Town Fiesta, na gaya ng sumusunod: Oktubre 3, Biyernes, Gabi ng mga Paaralang Publiko; Oktubre 4, Sabado,Senior Citizens’ Night na itataguyod ng Tanggapan ng Punonglalawigan; Oktubre 5, Linggo, Saint Paul School and Marcelino Fule Memorial College Night; Oktubre 6, Lunes, Alaminos/Ibayiw National High School Night; Oktubre 7, Martes, Gabi ng Tunog Kalye na itataguyod ng MINOLA Oil; Oktubre 8, Miyerkoles, Mayor’s and Vice Mayor’s Night; Oktubre 9, Huwebes, Bikini Summit 2008 na itataguyod ng San Miguel Corporation; Oktubre 10, Beyernes, Congresswoman Ma. Evita R. Arago’ Night; at Oktubre 11, Sabado, Grand Coronation Ms. Teen CORAMBLAN World 2008 na itataguyod ng STI-San Pablo City. Napag-alamang hindi itinanghal sa taong ito ang CORAMBLAN Festival na nagtatampok sa Mar...

VILLAFLOR, TANINGCO, AT EXCONDE
MGA “HUWARANG AMA”

SAN PABLO CITY - Hinirang sina G. Virgilio C. Villaflor (1 st ) ng Barangay Bagong Bayan, G. Ruben E. Taningco (2 nd ) ng Barangay Mavenida (VI-A), at G. Arcadio Exconde (3 rd ) ng Barangay Santa Catalina, bilang mga “Huwarang Ama” para taong 2008 kaugnay ng National Family Week Celebration na itinaguyod ni Alkalde Vicente B. Amante sa pangangasiwa ng Family Advocates at koordinasyon ng City Social Welfare and Development. Ang simpleng palatuntunan ng pagpapahayag at paggagawad ay ginanap noong nakaraang Sabado ng hapon, Setyembre 27, 2008 sa Social Hall ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa klahabaan ng Mabini Street Extension sa Barangay V-A. Sila ay pinagkalooban ng cash prize na P2,000; P1,500; at P1,000, batay sa kanilang pagkakasunod-sunod. Ang tatlong amang nabanggit ay nahirang mula sa 13 finalists na binubuo nina Rodelo Gapaz ng Barangay Concepcion; Alexander Baldovino ng Barangay San Buenaventura; Apolinario Malabanan ng Barangay Santa Maria Magdale...

MANAGEMENT CONFERENCE NG PPA-REGION IV

Ang mga Chief Parole and Probation Officer sa Katimugang Tagalog na nasa pangangasiwa ng PPA-Region IV ay isasagawa ang kanilang 3 rd Regional Management Conference sa ngayong Lunes, Oktubre 6, 2008 sa Tierra de Oro Resort and Hotel sa Barangay San Antonio I, lunsod na ito sa personal na pamamatnugot ni Regional Director Corazon M. Ocampo. Ang inaasahang dadalo ay ang 25 hepe ng iba’t ibang tanggapang nakatatag sa mga Lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Rizal, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan Nabanggit ni Chief Parole and Probation Officer Yolanda B. Deangkinay ng San Pablo City Parole and Probation Office na minarapat ni Director Corazon M. Ocampo na isagawa ang Regional Management Conference upang maitatag ang pamantayan ng paglilingkod na angkop sa kalalagayan ng mga lalawigan sa Katimugang Tagalog o sa CALABARZON at MIMAROPA Area. Tulad ng isang tagapangasiwaang progresibo ...

MANNY VILLAR, MR. SARI-SARI NG PUREGOLD

Si Senate President Manuel Bamba Villar Jr. ay kinilala ng Puregold Price Club Inc. nang ganapin kamakailan ang 3 rd Grand Tindahan ni Aling Puring Barangay Asenso Sari-Sari Store Convention 2008 sa World Trade Center na “Mr. Sari-o,Sari. Ayon kay Puregold Vice Chairman Susan Co, ang tagumpay ng Puregold bilang isang wholesale and retail outlet na natatag noon lamang Taong 1998, ay salig sa “Kaisipang Sipag at Tiyaga” na siyang naging panuntunan ni Manny Villar sa kanyang pagsusulong ng ano mang gawain, maging ito ay sa hanapbuhay o pagninegosyo, sa pagbalangkas ng mga batas, sa pagiging kagawad ng ano mang lipunang magiging daan niya para makapaglingkod sa nakararami, at sa pagiging isang ama ng tahanan. Samantala, nabanggit ni Puregold President Leonardo Dayao, na ang Puregold Price Club, Inc. ay natatag bilang isang karaniwang tindahan sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Metro Manila, na ngayon ay mayroon ng 24 retail store hindi lamang sa Metro...