Pumanaw na si dating Alkalde Zacarias Africa. Ticzon sa gulang na 89 noong nakaraang Biyernes, Hunyo 11, 2010, at ang kanyang mga labi ay kasalukuyang pinaglalamayan sa EFARCA Village, Barangay IV-A, Lunsod ng San Pablo.
Isinilang sa Baryo Santo Angel , Bayan ng San Pablo sa Lalawigan ng Laguna noong Hulyo 6, 1920, bilang punonglunsod ay nakilala Alkalde Ticzon sa katawagang “Ma Caring”, at bilang punonglunsod, ay nabanggit ni dating Secretary to the Mayor Rhode Nat. Alcantara na “Caring Ticzon Is The Most Colorful Mayor San Pablo City Has Ever Had.” Nang si Justice Secretary Franklin Drilon ay dumalaw noon dito sa San Pablo City upang pasinayaan ang isang “garbage bin” sa may Pamilihang Lunsod, siya ay kinilalang “Xavier Cougat of the Philippines.”
Napag-alamang si Atty. Zacarias Africa Ticzon ay nagsimulang maglingkod bilang Secretary to the Mayor sa ilalim ng pangasiwaan ni Appointed City Mayor Artemio B. Fule noong 1953-1954. Sa halalan noong Nobyrembre ng 1955, siya ay nahalal na konsehal o isa sa pitong (7) kagawad ng junta municipal noon, na nanungkulan simula noong Enero 1, 1956 hanggang Disyembre 31, 1959. Siya ay kapartido ng First Elected City Mayor na si dating Guerilla Major Leopoldo Colago.
Si Caring Ticzon ang First Elected City Vice Mayor na nanungkulan simula noong Enero 1, 1960 hanggang Disyembre 31, 1963, ang kanyang punonglunsod ay si retired Colonel Lauro D. Dizon Sr.
Nahalal sa halalan noong Nobyrembre ng 1963, si Caring Tizon ay nanungkulan bilang Punonglunsod simula noong Enero 1, 1964 hanggang Disyembre 31, 1967.
Pagkatapos ng EDSA Revolution, si Atty. Zacarias A. Ticzon ay itinalaga ni Pangulong Corazon C. Aquino bilang Officer-in-Charge of the Office of the City Mayor ng Lunsod ng San Pablo na nanungkulan simula noong Abril 2, 1986 hanggang Marso 31, 1988. Siya ay kinailangang magbitiw sa tungkulin para magkandidato sa pagka-Alkalde batay sa alituntuning ipinaiiral noon, kaya siya ay nakabalik sa City Hall bilang duly elected City Mayor na nanungkulan simula noong Hunyo 30, 1988, at nanilbihan hanggang Hunyo 30, 1992..
Sang-ayon sa kanyang pangatlong anak na si Zacarias B. Ticzon Jr., nakatakda ang paghahatid sa labi ng dating pununglunsod sa kanyang magiging huling hantungan sa San Pablo Memorial Park sa Barangay San Gabriel sa darating na Martes, Hunyo 22, 2010, pagkatapos ng isang necrological service na itataguyod ng Pangasiwaang Lunsod na gaganapin sa City Hall.
I love him....
ReplyDeleteMy grandfather's youngest brother.