Napag-alaman na sa halip na sumama na lamang sa Palatuntunang gaganapin sa mismong araw ng Kapistahan ni San Pablo sa Enero 15, na isang araw ng Sabado, si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng Congresswoman’s Night sa susunod na araw ng Linggo, o Enero 16 sa main stage rin sa plasa, gaya ng nakagawian na niyang ihandog simula pa noong Enero ng 2008. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong may mapanood ang mga taga-lunsod na dahil sa isinagawang mga paghahanda at pagtanggap ng panauhin ay nawalan ng pagkakataong makapanood ng mga palabas sa mga naunang gabi ng mga pagtatanghal na bahagi ng 16th Coconut Festival and Fair. Marami ring taga-lunsod na dahil sa gawain ay walang pagkakataong makauwi sa mismong araw ng kapistahan, kaya sila man ay dapat mabigyan ng pagkakataong makapanood ng mga “palabas” na bahagi na ng tradisyon at kultura sa lunsod na ito.
Ang Congresswoman’s Night ay tatampukan ng local talents, at na ang mga finale number ay ihandog ng mga kilalang television and stage personalities mula sa Maynila. Magkakaroon din ng fireworks display pagkatapos ng pagtatanghal sa main stage.
Mapapansing sa pagdiriwang ng kapistahan sa lahat ng munisipyo sa sakop ng 3rd handog, na isa ring pagkakataon, para ang mambabatas ay mabati sa paggunita sa araw ng kanyang kapanganakan. (BENETA News) Congressional District, si Congresswoman Ivy Arago ay naghahandog ng Congresswoman’s Night, kaya marapat lamang na sa sariling lunsod na kanyang pinananahanan ay magkaroon din siya ng
Comments
Post a Comment