Sa
panimulang pahayag ni Supreme Court Justice Arturo Dizon Brion bilang panauhing
tagapagalita sa ginanap na Public Installation of Officers ng Malinaw Lodge No.
25 ng Kapatiran ng mga Mason sa Pilipinas noong nakaraang Sabado ng hapon,
Marso 10, 2012, nabanggit niya ang kanyang mataas na pagpapahalaga kay
Immediate Past Worshipful Master Virgilio “Benjie” Fandiño Monzones dahil sa pagkakaroon nito ng matatag
na paninindigan na ang binalak niya noong siya ay siya pang Senior Warden ng
kapatiran ay naipatupad niya sa nalolooban ng panahon ng kanyang
panunungkulan, ay maipatayo ang isang
bagong lohiya, upang mapalitan ang lumang lohiya o kanlungan ng kapatiran sa
panulukan ng T. Azucena at P. Zulueta Streets na patayo pa ng namayapang
Brother Werner Schetilig, ang
tagapagtatag ng San Pablo Coconut Oil Manufacturing Company, na ngayon ay San Pablo Manufacturing
Corporation may 60 taon na ang nakalilipas.
Taglay umano ni Worshipful Master Benjie
Monzones ang “strong political will” na katangiang dapat na tinataglay ng sino
mang naghahangad na mamuno sa isang pamayanan, halimbawa ay ng isang gobernador
o alkalde, sapagka’t sila ang nakagagawa ng paraan upang ang kanilang pangarap
para sa lipunang kanilang pinangungunahan ay maisakatuparan.
Malaki rin ang pagtitiwala ni Justice Art
Brion sa katatalagang si Worshipful Master Leonel Mario “Boyet” Flores Barte,
ng nang kanyang makausap noong siya ay anyayahan nito para maging tagapagsalita
sa isasagawang Public Installation of Officers ng lohiyang siya ay honorary
member, ay tulad ni Brother Benjie Monzones,
ay inilahad sa kanya ang kanyang mga balakin para sa lohiya, sapagka’t
isang pagkakataon na siya ang pangunahing lider ng kapatiran sa panahong
ipinagdiriwang nito ang kanilang ika-100 ng pagkakatatag.
Bilang isang organisasyon, ipagdiriwang ng
Malinaw Lodge No. 25 ang kanilang ika-100
Anibersaryo ng Pagkakatatag sa darating na Oktubre 23, 2012, isang araw
ng Martes, at nabanggit ni Justice Brion na bago sumapit ang araw na iyon, siya
ay magiging isang full pledge member ng lohiya, at idinagdag pa niyang siya ay
tutulong upang sa araw ng kanilang pormal na pagdiriwang ng sentenyal sa
Oktubre 23, 2012 ay naiinstala na ang isang residential-type elevator para sa
kaluwagan ng mga may gulang ng kaanib ng kapatiran na nahihirapan ng umakyat sa
third-floor level ng kanilang gusaling pulungan.
Ang iba pang natalaga sa pamunuan ay sina
Glenn Pampolina Flores, Senior Warden; Bibiano Cierte Concibido Jr., Junior
Warden; Ben R. Exconde, treasurer; Romulo M. Escondo, secretary; Odilon C.
Aquino, auditor; Romulo M. Awayan, chaplain; Emmanuel G. Fule, marshal; Raul
Roldan E. Ciabal, Senior Deacon; Sesinando Ariate Jr., Junior Deacon; Edmund
Sy, Senior Steward; Christopher Bañas, Junior Steward; Francisco Almoner; Demosthenes B. Bienvenida,
historian; Florante D. Gonzales, lecturer; Odilon C. Aquino, Custodian of
Works; Philip C. Dy, Master of the Banquet; Victorino F. Javier, orator;
Emmanuel Briñas, organist; Joselito Follosco, harmony officer; Shaun Hassen
Obsum, Master Mason Representative; and Virgilio F. Monzones, Tyler. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment