San Pablo City- Nag-uwi ng ilang medalya at award ang mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo mula sa katatapos lamang na ALCU (Association of Local Colleges & Universities) Athletic Association Games 2012 nuong Marso 4-9 na ginanap sa RECS Complex, Sta. Cruz, Laguna. May 22 colleges at universities sa buong bansa ang naglaban laban sa sports competition na ito kung saan naging host ang Laguna University.
Champion si Lino Fulloso sa Badminton sa Single-Men at 4th place naman sina Jenny Medina at Rei Anne Aricheta sa Doubles-Women. Silver medal naman ang naiuwi ni Marlan Eduard Marasigan sa Taekwando-Fly Weight Div. at apat na Bronze Medal sina Jarine Rosales sa Feather Weight, Glen Naling sa Light Weight, Sharmaine Briones at Kevin Gajiran sa Bantam Weight Divisions.
Bronze Medal naman sa Table Tennis-Doubles-Men sina John Maric Laco at Arjay Lacsamat fourth placers sa Sepak Takraw at Volleyball-Women. Sa Chess-Women ay 6th place at Chess-Men ay 12th place; 10th place sa Cheering Competition at 5th place sa Basketball-Men’s Division.
Lumahok rin ang DLSP sa Mr. & Ms. ALCU kung saan naging Top 5 Finalist ang paaralan. Nanalo namang Best in Formal Wear at Best in National Costume si Francis Almeda at Ms. Congeniality si Kristel Rozol.
Kaya lubos ang pagbati na ipinaaabot nina Mayor Vicente Amante at City Admin. Loreto Amante sa pamunuan ng DLSP sa pangunguna ni Dr. Edelio Panaligan, College Administrator at sa iba pang guro na sa kanilang pagpupunyagi ay patuloy na nagbibigay karangalan ang DLSP sa Lunsod ng San Pablo.
Malugod namang ibinalita ni Mayor Amante na sa susunod na taon ay Lunsod ng San Pablo ang siya namang magiging Host City ng ALCU Games 2013. Si Prof. Tomas B. Lopez ng University of Makati ang Presidente ng 2012 ALCU, Vice-President (Internal) si Atty. Lutgardo B. Barbo ng Taguig City University at Dr. Elizabeth A. Montero ng Urdaneta City University ang Vice-Pres. (External). (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment