Skip to main content

Posts

Greetings to Ms. Aningalan

PROUD ALUMNA OF SAN PABLO COLLEGES - Aleli Jean Sandoval Aningalan, a Year 2007 graduate of nursing course at San Pablo Colleges successfully passed the Licensure Examination given by the Board of Nursing of the Professional Regulation Commission (PRC) last December 2007. Aleli is the youngest among five children of Mr. and Mrs. Numeriano Aningalan of Barangay Santa Elena, San Pablo City. As announced and published in various broadsheet newspaper, she is among the 28,924 out of 67,728 examinees who passed the licensure examination. (7 Lakes Press Corps)

Greetings to Dr. Colago

NEW SAN PABLO DOCTOR - Jose Jonelle Gapit Colago, eldest son of City Councilor and Mrs. Leopoldo M. Colago, who graduated magna cum laude in a course in Biology at the University of the Philippines at Los Baños, and completed his studies in medicine and surgery at the UP College of Medicine and Philippine General Hospital and Medical Center, successfully passed the Licensure Examination given by the Board of Examiners for Medicine of the Professional Regulation Commission recently. (7 Lake Press Corps)

WATER DISTRICT, NAGBABAYAD NG BUWIS SA MEJORAS

SAN PABLO CITY – Taliwas sa inaakala ng marami, ang San Pablo City Water District (SPCWD) ay nagbabayad ng real estate taxes o buwis sa mejoras, sapagka’t ito ang itinatagubilin ng Local Government Code of 1991, na sinasang-ayunan ng Opinion No. 175, Series of 2006 ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) ng Department of Justice na pinalabas noong Agosto 16, 2006 sang-ayon kay City Assessor Celerino Barcenas. Gayon pa man, nilinaw ni Barcenas na ang ipinagbabayad lamang ay ang lote at gusali, at exempted na ipagbayad ng buwis para sa mga makinarya at iba pang kagamitang kinakailangan sa maayos na operasyon ng water district. (Ben Taningco)

IKA-50 ANIBERSARYO NG KAGAWARAN NG SIYENSYA

Ang Kagawaran ng Siyensya at Teknolohiya or Department of Science and Technology (DOST) na natatag noong Hunyo 13, 1958 upang maging tagapag-ugnay ng lahat ng mga gawain sa larangan ng siyensya at teknolohiya sa bansa, bilang pagtugon sa pangangailangan para matamo ang pambansang kaunlaran, at mabalangkas ang mga layunin, palatuntunan, at gawain na gagabay sa pag-uunauna ng mga dapat ipatupad para sa kagalingang pambansa. Nang si Science Secretary Estrella F. Alabastro ay maging panauhing tagapagsalita sa pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD), kanyang nabanggit ang nakatakdang paggunita sa Ika-50 Taon ng Pagkakatatag ng kagawaran ay tatampukan ng iba’t ibang palatuntunan, tulad ng pagkakaloob ng gawad sa 50 namumukod o naging matagumpay sa paggamit ng mga kamalayan at kasanayang salig sa siyensya at teknolohiya; at pagkilala sa mga naging kalihim ng kagawaran na namayapa na. Ang ...

MAYOR ARLENE A. NAZARENO, KINILALA NG PNP-REGION IV-A

CAMP VICENTE LIM, Laguna - Alang-alang sa “matatag na paninindigan at epektibong pakikipagtulungan sa pulisiya na nakatulong ng malaki sa pagtatagumpay ng pambansang pulisiya sa kanilang palatuntunan upang maiwasan ang krimen sa pamayanan,” si Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas-Nazareno ay pinagkalooban noong nakaraang Biyernes, Pebrero 8, 2008, ng plake ng pagpapahalaga, na ang mismong nag-abot ng gawad ay si Deputy Director General for Administration Jesus Ame Verzosa na siyang naging panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita sa pagdiriwang ng Ika-17 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Philippine National Police na ginanap sa kampong ito. Napag-alamang simula ng manungkulan si Mayor Nazareno sa City Hall, ang himpilan ng pulisiya ay tinutustusan sa mga pangunahing pangangailangan nito, tulad ng mga kagamitang pampangasiwaan at pangtanggapan, gasolina para sa mga sasakyang pampatrulya, bala, pagkain, at iba pang mga guguling kinakailangan para sa maayos na operas...

KAMALAYAN SA LABAN SA SUNOG

Ang mga pinuno at kawani ng Land Bank of the Philippines-San Pablo City Branch sa pangunguna ni Department Manager Evelyn L. Malapaya, sa pakikipagtulungan ni City Fire Marshall Alejandro C. Austria, ay sumailalim ng tanging pagsasanay sa tamang pagsugpo ng sunog, at ang mga hakbanging dapat isagawa sakali’t magkaroon ng sunog sa bakuran ng bangko, o sa kapaligiran nito, tulad ng pagabay sa mga kliyente ng bangko patungo sa ligtas na lugar, tamang pagtatakda ng prayoridad sa mga bagay na dapat tiyaking ligtas sakali’t ang bank premises ay tuwirang maapektuhan ng apoy; at maging mobilisasyon ng mga biktima, sakali’t may taong maaapektuhan ng sunog na dapat ilipat sa ligtas na lugar. Ang kabuuan ng pagsasanay sa pag-iwas at paglaban sa sunog o fire drill ay sinubaybayan ni Area Manager Nicetas Gaveño Jr. Ang mga bank employees LandBank ay pinayuhan sa tamang pagkilala ng sunog batay sa pinagmulan nito, at sa paggamit ng fire extinguisher. Tinuruan din sila ng ta...

TALAKAYAN SA MGA KARAPATAN AT PANANAGUTAN NG MGA PASYENTE

Pangulong Lorna O. Fajardo Inaasahan ang pagdalo ni PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer Lorna O. Fajardo sa nakatakdang Forum on Patients’ Rights and Responsibilities na gaganapin sa Riverview Resort and Conference Center sa Calamba City sa darating na Martes, Pebrero 19, 2008, simula sa ika-9:00 ng umaga na itataguyod ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na iniuugnay sa pagdiriwang ng ika-13 Anibersaryo ng kanilang pagkakatatag, sang-ayon sa paanyayang tinanggap ng pahayagang ito mula kay Dr. Edwin M. Oriña, officer-in-charge ng PhilHealth-Region IV-A na may hurisdiksyon sa mga Lalawigan ng Quezon, Laguna, at Cavite. Ang PhilHealth ay natatag sa bisa ng National Health Insurance Act of 1995 o Batas Republika Bilang 7875 na napagtibay noong Pebrero 14, 1995 na naglalayong mabigyan ng kaseguruhang pangkalusugan ang lahat ng mga Filipino, nasa loob o nasa labas man ng bansa. Ang mga paksang tatalakayin ay ang mga pananagutan at karapatan ng pasyent...