Skip to main content

Posts

PAGLALAHAD NG KANDIDATURA
Para Sa May 10, 2010 National and Local Elections

Pag-alinsunod sa tadhana ng Resolution No. 8646 na pinagtibay ng Commission on Elections noong nakaraang Martes, Hulyo 14, 2009, na nagtatakda ng Calendar of Activities kaugnay ng nalalapit na May 10, 2010 National and Local Elections, ang panahon para sa paglalahad ng kandidatura o Filing of Certificate of Candidacy para sa lahat ng mga magsisipaghangad ng tungkulin ay sa Nobyembre 20 - 30, 2009 o sa loob lamang ng 11 araw. Ang campaign period para sa mga magsisipaghangad ng national positions, tulad ng pagka-Pangulo at pagka-Senador ay mula sa Pebrero 8 hanggang Mayo 8, 2010; samantala ang para sa local positions, tulad ng pagka-Gobernador, pagka-Kongresista, pagka-Bokal; pagka-Alkalde; at pagka-Konsehal, ay mula Marso 26 hanggang Mayo 8, 2010. Sinasabi sa Resolution No. 8646 na ang Election Period, o panahon ng mga kabawalan, tulad pagbabawal na magdala ng lisensyadong baril na walang kapahintulutan mula sa Komisyon sa Halalan, at paglilipat ng mga kawani n...

Kapanatagan Ng Mga Anak Ng Nasasawing Pulis

Kaugnay ng pagkasawi ni PO1 Recuerdo Molleda ng San Pablo City Police Station ng ang grupo ng inatasang mga pulis upang dakpin ang isang mag-aamang nahaharap sa ilang usapin sa mga hukuman sa Laguna na napaulat na nasa Barangay San Antonio I noong Sabado ng hapon ay pasalubungan ng putok, ipinahayag sa flag ceremony noong Lunes ng umaga na si Mayor Vicente B. Amante ay magmumungkahi sa Sangguniang Panglunsod para sa pagtatatag ng isang Trust Fund na magkakaloob ng tulong sa pagpapaaral ng mga naiiwanan mga anak ng mga pulis na masasawi samantalang tumutupad ng kanilang tungkulin,at kung ang kanilang balo ay may sapat na katangian ay matalagang palagiang kawani sa Pangasiwaang Lunsod. Naninindigan si Mayor Vic Amante na ang mga nauulila ng mga bayaning pulis ay dapat bigyan ng kapanatagan ang hinaharap ng kanilang mga naiiwanan.

BJMP-SAN PABLO, DISTRICT JAIL OF THE YEAR AWARDEE

Si Warden J/S Insp. Arvin T. Abastillas ng San Pablo District Jail matapos tanggapin ang District Jail of the Year Award mula kay Executive Secretary Eduardo Ermita. QUEZON CITY - Kinilala ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga natatanging performance ng iba’t-ibang unit sa ilalim ng kawanihan kaugnay sa pagdaraos ng kanilang ika-18 anibersaryo ng pagkakatatag na sinaksihan ni Executive Secretary Eduardo Ermita kamakailan bilang panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita. Nakamit ng San Pablo District Jail sa ilalim ng pamumuno ni Jail/Senior Inspector Arvin T. Abastillas ang District Jail of the Year Award, at ng Dasmariñas Municipal Jail ang Municipal Jail of the Year Award, na kapwa nasa pangangasiwa ni Jail/Senior Superintendent Norvel Mingoa, BJMP Region 4A Director. Samantala ay nagwagi rin sa iba pang kategorya ang mga sumusunod: BJMP Region VII – Region of the Year; Bohol Provincial Office, Provinci...

BAGONG PALENGKE, ITATAYO NA SA ALAMINOS

Kuha ang larawan noong Biyernes ng hapon nang ipinaliliwanag Engr. Nielson B. Faylona at Gng. Juanita B. Rivera sa mga kasalukuyang stallholder kung papaano hahatiin sa iba’t ibang seksyon ang palengke. ALAMINOS, Laguna – Iniulat ni Mayor Eladio M. Magampon na ang pagtatayo ng Proposed Public Market Building ay sisimulan na sa darating na Agosto 15, 2009 sa pamamagitan ng isang kontratistang nagwagi sa pasubastang umaalinsunod sa alituntunin at tagubilin ng Market Code of the Philippines . Ang halaga ng kontrata ay P21-milyon at ang pagawain, na isang one-storey structure, ay inaasahang matatapos sa loob ng 150 araw, ay itatayo sa kinatatayuan ng kasalukuyang palengke, at sang-ayon kay Engr. Nielson B. Faylona, Municipal Planning and Development Coordinator, sng ptoposed public market ay may floor area na aabot sa 2,000 metro kuwadrado, na lalagyan ng sapat na two-meter pathway, at ang Carinderia Section ay ihihiwalay ng isang three-meter service road para sa kalu...

CITY HOSPITAL, MABUBUKSAN NA

SAN PABLO CITY – Sa flag ceremony noong Lunes ng umaga, ay pinasalamatan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Sangguniang Panglunsod dahil sa ginawa nitong pagpapatibay sa Proposed Annual Budget for Calendar Year 2009 noong nakaraang Biyernes ng umaga, Hulyo 3, 2009, na magbibigay-daan upang makapagtalaga na ng mga kinakailangang tauhan upang mabuksan ang San Pablo City General Hospital na ipinatayo ng pangasiwaang lokal sa Barangay San Jose (Malamig). Sang-ayon sa alituntuning ipinatutupad ng Department of Health, kinakailangang magtalaga ng sapat na bilang ng manggagamot, narses, at iba pang kinakailangang tauhan na magdo-duty ng three sifting o tuloy-tuloy sa loob ng 24 oras. Para mabuksan, kinakailangang magtatalaga ng hindi kukulangin sa 24 registered nurse, anim (6) na resident physician, tatlong medical technologist, at iba pang mga para medical professionals, na ang pagtatalaga nito ay nakatakda sa pinagtibay na proposed budget paliwanag ni Alkalde Amante....

PONDO NG DISTRITO, IBINABALIK SA TAO

SAN PABLO CITY – “Pondo ng Distrito, Ibinabalik sa Tao,” ito ang naging paksang diwa ng ginanap na People’s Day ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago noong Linggo ng umaga, Hulyo 5, 2009, sa Villa Evanzueda sa Sityo Baloc na dinaluhan ng mga pinunong barangay mula sa anim (6) munisipyo at lunsod na ito na bumubuo ng 3 rd Congressional District. Ito ay sa dahilang pormal na ipinamahagi ang mga tseke para sa iba’t ibang paggawain na naihingi ng kinatawan ng tulong mula sa Department of Agriculture, at mula sa tinanggap niyang Priority Development Assistance Fund n(PDAF). Ang pinagkalooban ng tulong na may kabuuang P15,000,000 ay ang Talaga Irrigation System sa Rizal na tumanggap ng P3,000,000; ang Calumpang Irrigation System sa Nagcarlan na pinagkalooban ng P3,000,000; Taytay Irrigation System sa Nagcarlan din na ang tinanggap ay P2,000,000; ang Prinza Irrigation System sa Calauan na P3,000,000 ang ipinagkaloob; ang Mabacan Irrigation System sa Calauan din na inabutan...

Provincial board member dies in Laguna shooting

A provincial board member and two more persons in his group were killed by suspected hired guns in San Pablo City, Laguna, Wednesday night. The San Pablo City Police Office said Board Member Danny Yang, former village chieftain Manolo Barcenas and a certain Brando de los Santos died at the Pagamutang Panlalawigan ng Laguna. Jovy Lopez, a member of Yang's group and a certain Marc Edward Herrera were wounded in the shooting. Police said the group was attending a fiesta celebration in Barangay Bautista when ambushed by five gunmen around 9:30 p.m. Investigators said Yang's driver, Rommel Viterbo, was able to fire back and killed one of the assailants. Four of the gunmen escaped on foot after the shooting, police added. Superintendent Raul Bargamento, San Pablo City police chief, said a task force has been formed to investigate the provincial board member's killing. Bargamento said manhunt operations have been launched for the arrest of the four gunmen. Source : http:...