Ipinaaalaala ni City Administrator and concurrent PESO Manager Loreto “Amben” S. Amante na sa darating na Mayo 22, 2009, araw ng Biyernes, si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng isang Mega Jobs Fair na gaganapin sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco kung saan maraming recruitment agencies na kumakatawan sa iba’t ibang industriya sa loob at labas ng bansa ang lalahok. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon sa maayos na hanapbuhay ang mga maaari ay nawalan ng trabaho bunga ng epekto ng global financial crisis, at ang mga bagong graduate ng mga professional courses sa katatapos na school year.
Bagama”t ang prayoridad ay ang mga residente ng mga lunsod at munisipyong bumubuo ng 3rd Congressional District, nabanggit ni Amben Amante na ito ay bukas din sa mga residente ng iba pang mga lunsod at munisipyo sa Lalawigan ng Laguna.
Kaugnay ng nabanggit na Ivy Arago’s Mega Jobs Fair sa darating na Mayo 22, na isasagawang may pakikipag-ugnayan kay DOLE-Region IV-A Director Ricardo S. Martinez Sr. na bubuksan sa ganap na ika-8:00 ng umaga, nagpapayo si PESO Manager Amben Amante sa mga prospective job applicant na ang pagtungo sa isang jobs fair ay dapat na pinaghahandaan, tulad ng pagkakaroon ng maayos at angkop na kasuutan, at may personal grooming, may tiwala sa sarili at may kahandaang sumailalim ng interview upang ganap na maipakilala ang sarili, at kung magagawa ay makabubuting dalahin na ang kanilang passport, mga credential na maaring kailanganing ipakita sa panahon ng interview, NBI Clearance, at true copy ng birth certificate, at iba pang kasulatang kakailanganin sakali’t matatanggap na isang gawain. Sikapin ding ang dalang dokumento o supporting papers ay may kalakip na photo (zerox) copy upang kung kakailanganin ay iyon ang maiiwan sa recruitment agency.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa nakatakdang Jobs Fair sa Mayo 22, 2009, ay maaaring makaugnay ang tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago sa telepono bilang (049) 801-3109. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment