Bunga ng pansariling malasakit ni SPO1 Norman Jesus
Platon ng Mlang, North Cotabato, na dating kagawad ng Philippine Constabulary, na natalaga sa Lunsod ng San Pablo, na sinuportahan nina Supt. Raul L. Bargamento at Insp. Rolando A. Libed, ang obelisk o pananda para sa alaala ni Major Leopoldo A. Alicbusan sa may Doña Leonila Park ay naisaayos at muling naibalik sa dating kaanyuan bilang pang-alaala sa apat (4) na kawal ng 27th PC Company na nagbuwis ng buhay noong Marso 29, 1950 sa pagtatanggol sa pamayanan laban sa pananalakay ng mga kaaway ng kapayapaan.
Comments
Post a Comment