ALAMINOS, Laguna - Nabanggit ni Municipal Agriculturist Gladys dV Apostol na napapanahong pasiglahin ang pagpaparami ng katutubong manok o native chicken sa bayang ito, hindi lamang para ipagbili, kundi para mapagkunan ng protina at itlog para sa mag-anak. Ang katutubong manok ay bahagi na rin ng kasaysayan at kultura ng pamayanang ito.
Sa pag-aaral ng University of the Philippines at Los Baños (UPLB) tinatayang 54.70% ng manok sa bansa ay katutubo o native, kung saan ang malaking bilang ay pinarami sa Visayas at Mindanao.
Sa pag-aaral ng mga statistician ng Department of Agriculture, napag-alamang maraming Pilipino na higit na nais lutuin ang katutubong manok, sa halip na ang mga imported breed na pinalalaki sa mga commercial poultry houses, dahil sa lasa, linamnam ng laman, kulay, at nakatutugon sa mga lutuing Pinoy. Higit na mataas ang halaga ng bawa’t kilo ng katutubong manok, kaysa pinalaki sa mga poultry houses.
Sa pananaw ni Gng. Apostol, madaling paramihin ang katutubong manok, dahil sa ito ay paligaw at nakakapaghanap ng kanilang pagkain, na kung pinatutuka man ng mais at ginayat na laman ng niyog, ay para ito ay maging maamo at mapanatiling umuuwi sa kanilang hapunan kung hapon.
Ang katutubong manok ay nagsisimula ng mangitlog sa gulang na anim (6) buwan, at dapat ay mayroong isang tandang sa
Comments
Post a Comment