ALAMINOS, Laguna - Bilang tagapangulo ng Committee on Parks and Public Cemetery, nabanggit ni Konsehal Jeyson Carpena Abu na sinisimulan na ng isang lupong binuo ni Mayor Eladio M. Magampon ang kinakailangang mga paghahanda upang maayos na maipagdiwang ang Araw ng mga Patay sa bayang ito.
Sa dahilang ang mga libingan sa bayang ito ay parehong nasa Barangay Dos, at makipot lamang ang daanang papasok dito, apektado ng pagkakaroon ng konsentrasyon ng dumadalaw na mga tao sa libingan ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Poblacion Section ng Maharlika Highway, kaya kinakailangang ang daloy ng trapiko ng mga sasakyang nagdaraang sa pambansang lansangan ay maayos na pinangangasiwaan, na upang ito ay maipatupad ay kinakailangan ang pagtatatag ng maayos na mga monitoring stations sa Barangay San Juan, at sa Barangay San Agustin, upang ang mga motoristang nagbibiyahe sa pag-itan ng San Pablo City at Santo Tomas na wala namang kailangan sa Poblacion ay sa alternate road na lamang magdaaan, paalaala ni Konsehal Abu.
Bilang pinakabatang halal na konsehal, abala rin si Konsehal Abu sa pagtulong kay SK Federation President Rafael Magampon Castro sa pangangasiwa sa Municipal Youth Basketball Team na lumahok sa First Intertown Basketball Tournament na itinataguyod ni Gobernador Jeorge “ER” Ejercito Estregan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment