Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Statistics Month ngayong Oktubre 2010
na idiniklara ng dating pangulong Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Proclamation No.
647, idaraos ng NSO-Laguna ang Philippine Statistics Quiz (PSQ)-Provincial Elimination.
Kaugnay rin nito ang pagdiriwang ng World Statistics Day sa ika-20 ng Oktubre 2010.
Ang PSQ ay taunang patimpalak ng NSO at ng Philippine Statistical Association upang
masubok ang kaalaman sa estadistika ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo. Ito
ay sinikap ng mga tagapagtaguyod ng PSQ upang makaambag sa pagpapaunlad ng
manggagawa sa siyensa at teknolohiya sa pamamagitan ng pagtuklas at pangangalaga sa mga
may talento sa larangan ng estadistika. Ang resulta ng patimpalak na ito ay magpapatunay kung
gaano ka-epektibo ang pagtuturo ng estadistika bilang bahagi ng matematika sa high school.
Ang patimpalak na ito ay isinusulong din ng Commission on Higher Education (CHED).
Ang PSQ-Provincial Elimination ay bukas sa lahat ng mga estudyanteng Filipino na
nasa unang taon sa kolehiyo na naka-enoll sa first semester ng school year 2010-2011
sa anumang paaralan sa Laguna. Ang bawat estudyanteng sasali sa timpalak ay may
karapatang mag-sama ng opisyal na coach na binigyang pahintulot ng paaralan kung saan
naka-enroll ang estudyanteng sasali sa PSQ. Ang limang mangunguna sa provincial elimination
ay makikipagtunggali naman sa mga nanalo sa ibang lalawigan na sakop ng Region IV-
A (CALABARZON) sa ika-23 ng Nobyembre 2010. Ang mangunguna sa NSO-Region IV-A
(CALABARZON) ay ipadadala naman sa national finals sa ika-8 ng Disyembre 2010 sa Metro
Manila.
Simula noong taong 1994, ang mga estudyante ng UP Los Baños ay siyang nanguna
sa national finals sa loob ng limang taon. Noong nagdaang taon, ang estuyante pa rin ng UP
Los Baños ang nanalo sa Provincial Elimination, pumangalawa at pumangatlo naman ang
estudyante ng Laguna College. Naging pang-apat ang etudyante ng San Pablo Colleges at
panglima ang Laguna State Polytechnic University-San Pablo.
Ang mananalo sa provincial elimination ay pagkakalooban ng cash prizes at tropeyo ng
karangalan. Ang sinumang mananalo sa national finals ay pagkakalooban naman ng halagang
P25,000 para sa unang mananalo, P20,000 sa pangalawa, P15,000 sa pangatlo, P10,000
sa pang-apat at P5,000 sa panglima. Pagkakalooban din ang kanilang coach ng kalahati sa
halagang mapapanalunan sa bawat pwestong nabanggit.
Ang NSO-Laguna ay bukas ang paanyaya sa mga estudyante na nasa unang taon sa
kolehiyo na sumali sa patimpalak na ito. Ang sinumang may nais na lumahok na mag-aaral sa
Laguna ay maaaring mag-apply sa NSO Laguna Provincial Office na pinamumunuan ni PSO
Magdalena T. Serqueña sa Maharlika Highway, Brgy. Bagong Bayan, San Pablo City. (NSO-
Laguna).
Comments
Post a Comment