Ang mga nanguna sa mga gawain sa October 2, 2010 Saturday Registration ng PhilHealth sa Lunsod ng San Pablo (mula sa kaliwa) Supervising Nurse Filipina Catipon ng City Health Office, City Administrator Loreto S. Amante, CSWDO Grace D. Adap, Dr. Octavios Daoa ng DOH-Region IV-A (CALABARZON), at Designated Health Educator and Promotion Officer Caridad Gonzales ng City Health Office. (CIO/Diogenes L. Bunquin)
Sa ulat ni City Social Welfare and Development Officer Grace D. Adap, napag-alaman na ang 70 sa mga nabiyayaan ay residente ng Barangay Bagong Bayan, samantala ang 31 ay naninirahan sa Barangay San Vicente. Sila ay pinili ng naaayon sa kriteryang nakatadhana sa National Household Targetting System ng Department of Social Welfare and Development. Ang nag-abot ng PhilHealth ID ay sina City Administrator Loreto S. Amante bilang kinatawan ng Pangasiwaang Lunsod, at Dr. Octavios Daoa ng Department of Health-Region IV-Am na sinaksihan nina Supervising Public Health Nurse Filipina Catipon sa pangalan ng City Health Office, at Rose Lector at Roberta Esquivel bilang kinatawan ng Department of the Interior and Local Government-San Pablo City Office.
Nauna rito, ang pangasiwaang lunsod sa inisyatibo ni Alkalde Vicente B. Amante ay nakapamahagi na ng 6,000 PhilHealth ID sa ilalim ng Sponsored Program o ang yunit ng pamahalaang lokal ay nagbayad ng premium.
Sa pananalitang binigkas ni Dr. Daoa, kanyang binanggit na ang isinagawang pagtatala at pamamahagi ng PhilHealth ID ay panimulang Gawain upang matamo ang layunin ni Pangulong Benigno C. Aquino III na ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ay mabigyan ng pagkakataon na mapasailalim ng pantay at matutugunang pangangalaga ng kalusugan.
Ang isinagawang pagtatala noong Sabado ay isang inisyatibo upang mabigyang sigla ang pagkilos ng sektor ng kalusugan upang marating ang kalalagayang ang lahat ng sambahayan ay sakop na ng pambansang palatuntunan sa kaseguruhang pangkalusugan.
Sa panig ng punonglunsod, sa pamamagitan ni City Administrator Loreto Amante ay kanyang hiniling sa lahat ng pamilyang may kakayang makabayad ng halagang P100 bawa’t buwan na magkaroon na ng pagkukusang maging “individually paying member” upang ang mga sadyang mahihirap na lamang at sadyang walang kakayanang makabayad ng health insurance premium ay siya na lamang ipagbayad ng tagatangkilik ng palatuntunan, na sa ilalim ng palatuntunang sinimulan noong Sabado, Oktubre 2, ay sa pagtangkilik ng Department of Health. (CIO/Jonathan S. Aningalan)
Comments
Post a Comment