Nagso-solicit na ang SPC Water Distrct ng mga nominasyon para sa mababakanteng education at womens sector sa board of directors. May hanggang Oct. 15 lamang ang board para mag-solicit ng nomination..
Pero ayon sa ating bubuwit ay tila sinasala ng ilang miyembro ng Board ang mga grupo na padadalhan ng solicitation..ayon pa sa ating bubuwit sa loob ng SPCWD ay bakit daw tila pili ang mga pinadalhan ng mga solicitation. Nagpadala diumano ng solicitation sa isang learning School ng isang barangay, subalit ang ibang learning school sa ibang lugar ay hindi pinadalhan. Dahil kaya ang nabanggit na learning school ang magno-nominate sa isang kasalukuyang naka-upong Board ng matatapos na ang termino sa Dec. 31, 2010?
Balitang malapit ang Board na ito kay Mayor Amante na siyang mag-a-appoint ng mga Board of directors na may fixed term mula Jan. 1, 2011 hanggang Dec. 31, 2016. May hanggang Nov. 15 ang Secretary ng Board para i-submit kay Mayor Amante ang mga nominado ng mga grupo mula sa sektor ng edukasyon at kababaihan. At dapat ay makapag-appoint na si Mayor hanggang Dec. 15 na kanyang ilalagay sa napakasarap na pwestong Board of Directors ng ating SPCWD. Ang iba pang sektor na kumakatawan sa board ng SPCWD ay ang Business Sector, Professional Sector at Civic Organizations Sector.
At tila hinahapit din na makapasok ang isang opisyal ng DLSP sa Board ng SPCWD na sakop naman ng womens sector dahil ayaw nila sa kasalukuyang naka-upo na kinatawan ng womens sector sa dahilang hindi umubra ang kanilang kalokohan dito kay womens sector representative.
Hay naku, talaga bang wala ng katapusan ang pag-aagawan ng pwesto dyan sa SPCWD? Anu ba ang meron dyan at tila kanya-kanyang interest ang namamayani dyan sa SPCWD? Kulang pa ba ang P5,600- kada miting (4 na miting kada buwan) na tinatanggap nyong mga Board? Kasama na ang paglalakbay saan mang panig ng Pilipinas kasama ang mga asawa, anak, kabit, etc. na sinasagutan ng aming SPCWD?
Patuloy po sa pagbabantay ang mga mamamayan ng SPC para isiwalat sa taong-bayan ang mga kabulastugang nangyayari dyan sa aming SPCWD. Asahan nyo po na isisiwalat namin ang mga nominado sa mga mababakanteng posisyon at kung ang mga ito ba ay mahigpit ang utang na loob ni Mayor para ipambayad ang pwesto sa SPCWD bilang mga Board of Directors.
Hanggang sa muli mga kababayan ko!

Comments
Post a Comment