SAN PABLO CITY - Tiniyakni Dr. Nerissa Cruz-Agraam,
hepeng Revenue District No. 55 na may
kapamahalaan sa koleksyon ng buwis sa mga munisipyo at lunsod na bumubuong 3rd
and 4th Congressional District, liban sa bayang kabiserang Santa Cruz,
na ang anomang buwis na natitipon ay napapabalik din
sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga paglilingkod ng pamahalaan para sa kagalingan ng mga mamamayan,
sapagka’t malinaw ang sinasabing Local Government Code of 1991 o Batas
Republika Bilang 7160, na ang 20 porsyento nito ay
mapapapunta sa mga yunit ng pamahalaang lokal,
para matustusan ang mga palatuntunang pangkaunlaran ng mga munisipyo at lunsod.
Nakatadhana sa Batas
Republika Bilang 9337 naang 20 porsyentong
“incremental VAT collection” ay
dapat gamitin ng yunit ng pamahalaang lokal sa mga sumusunod lamang:
pagpapaunlad ng sistemang edukasyon sa elementarya at sekondarya; health insurance
premium, pangangalagang kapaligiran; at
paggamit ng mga makabagong paraan ng pagsasaka.
Ipinapayorin ni Agraam na
kung may mga katanungan tungkol sa kanilang ilalahad na buwis sa kita o income tax
return, nasila ay malayang makakapagtanong sa kanilang tanggapan na nariritosa BIR
Building sa Barangay San Nicolas, lunsod na ito, o sa pinakamalapit na tanggapanng Collection Agent
ng Bureau of Internal Revenue nakaraniwang na sa mga municipal hall ditosa 3rd
and 4th District nasakop ng hurisdiksyonng Revenue District Office No.
55, BIR-Region 9.
Ipinaaalaala ni Agraam na ang huling araw para sa paglalahadng
income tax return nawala ng multa para sa kinita sa Taong 2014 ay sa Abril 15, 2015
na araw ng Miyerkoles. (Ruben E. Taningco)
It is the duty of Filipino citizen to file their income tax were they are living at least they obey their duty and kunsensya na lang ng mga taga BIR or government leaders kung magagamit nga ang mga buwis na binayad para sa kapakanan ng maayos na pamayanan Kagaya sa San Pablo City walang pagbabago no infrastructure 20 years na nakalipas, hindi atractive ang malalaking mamumuhunan, congested na bayan, peace and order, ang environment pinabayaan Wake up sa natitira pang taga San Pablo isip isip lang bakit ganyan ang lugar Sa tabi tabi lang problema huwag mga bobotante.
ReplyDelete