SAN PABLO CITY – Bagamat sa Oktubre 31, 2015 pa ang huling araw para sa pagpapatala
bilang botante, si Councilor Justin G. Colago ay patuloy na nagpapaalaala na huwagng
hintayin pa ang mga susunod na buwan para magpatala, sa halip ay nagpapayo siya
ng ngayon na, para makaiwas sa pagsisiksikan na karaniwang nangyayari sa huling
buwa ng itinatakda para sa pagpaparehistrong Commission on Elections.
Ang pagtatala ay isinasagawa araw-araw, Lunes
hanggang Biyernes, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 nghaponsa
COMELEC Office sa 2nd Floor ng Old City Hall Building. At kung araw ng
Sabado, ang COMELEC ay
nagsasagawa ng Satellite Registration sa barangay sa layuning ang pagtatala ay
mailapit sa mga mamamayan.
Ang nagnanasang
magpatala ay dapat na personal na magsasadya saTanggapan ng City Election
Officer sapagka’t ang pagtatala ay sa pamamagitan ng tinatawag na biometrics
capture
o sa tulong ng computer..
Batay sa
umiiral na alituntunin ng panghalalan, nabanggit ni Councilor Colago na ang maaaring
magpatala ay ang lahat ng Mamamayang Pilipino, may gulang o edad na hindi bababa
sa 18 taonsa Mayo 9, 2016, tuloy-tuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang
taon, at sa barangay nabobotohan ay anim (6) buwan sa Mayo 9, 2016 kung kalian magaganap
ang National and Local Elections,at dapat na may dalang maayos na mga pagkakakilanlan,
tuladng identification card sa pinagtatrabahuhan, postal ID, student”s ID o
Library Card, passport, senior citizen’s ID, at driver’s license. Maaari ring
magpatala ang mga transferee o mga nakatala sa ibanglunsod o munisipyo na naninirahan
nasa Lunsodng San Pablo sa loob ng anim (6) na buwan.
Hindi
kinikilala ang cedula at ang garantiyang punong barangay.Gayon pa man, maaring maging
saksi o guarantor ang isangrehistradong botante na kilala sa barangay.(Ruben E. Taningco)
Naku marami diyan nagparehistro 6 years na nakalipas hindi naman updated at mga walang ID kaya balewala ang pagparehistro dahil sa presinto wala mga pangalan hindi update ang record ng comelec diyan 5 years na ang bilang ng mga voters sa San Pablo hindi nadagdagan Pinipigilan yata sa munisipyo pagdami ng botante na nakatala para makaboto. Mga voters kumndidato kayo para makita ninyo kung makakaboto sa susunod na eleksyon. San Pablo is dying wake up voters, save San Pablo huwag maging bobotante kayo din ang kawawa habang panahon slave be a man of principle hindi na effective ang style ngayon papaano uunlad ang lugar na iyan May iba pang alternatibo para sumulong ang ekonomiya kung bubuksan ang mata sa katotohanan.
ReplyDelete