PSA Magdalena T. Serqueña |
Nais ipabatid
ni Statistician V Magdalena T. Serqueña, hepe ng Philippine Statistics
Authority (PSA)-Laguna, na ang PSA at ang Local Civil Registry Offices (LCROs) ay sama-samang magdiriwang
ngayong Pebrerong Civil Registration Month sa kanyang ika-25
taon sa buong bansa.Ito ay ipinatupad sa ilalim ng Proclamation No.
682 na ipinasang dating Pangulong Corazon C. Aquino noong ika-28 ngEnero
1991. May tema ang selebrasyon sa taong ito na“Samakasa CRVS Groupie.”
Ang tema sa taong ito
ay naka-ankla sa temang kauna-unahang Ministerial Conference o pagpupulong ng mga
nangangasiwang Pagtatalang Sibil at Mahahalagang Estadistika o Civil Registration and Vital Statistics
(CRVS) ng mga bansang nasa Asya at Pasipiko na ginanap saUnited Nations Conference Centre sa Bangkok noong ika-24 hanggang
ika-28 ng Nobyembre 2014. Ito ay “Get
everyone in the picture” o “Isama ang lahat sa Pagtatala.” Sa pagpupulong na
ito, ang taong 2015 hanggang 2024 ay indiniklara bilang“Asian and Pacific Civil Registration and Vital Statistics Decade”
o “Dekadang Pagtatalang Sibil at Mahahalagang Estadistikang Asya at Pasipiko.”
Nagsama-sama sa Ministerial Conference ang mga puno o minister ng interior and home affairs, minister ng tanggapan ng kalusugan at
pambansang tanggapan ng estadistika kasama ang aming National Statistician at
Civil Registrar-General Dr. Lisa Grace S. Bersales at mga nakakataas na kinatawan
ng mga umuunlad na bansa buhat sa Asya at Pasipiko upang bumalangkas ng mataas na
antas na pampulitikang commitment para sa pagpapaunlad ng sistemasa CRVS.
Ang CRVS ay tumatanggap
ng masusing atensyon dahil sa malakas na implikasyon para sa mga karapatang pantao
lalo’t higit sa legal napagkakakilanlan, para sa pagpapaunlad ng kalusugan ng mga
kababaihan at kabataan, gayundin, para sa maayos na pamamahala o good
governance and accountability at paglikhang maayos na datos para sa pagbabalangkas
ng mga polisiya. Ang malawakan at nakakatugon sa sistemang CRVS ay malaki ang kakayahan
na maiangat ng kaunlaran ng mga bansa ng nasa Asya at Pasipiko.
Alam nating lahat na ang
dekalidad na estadistika ay kinakailangan para sa pagpapapaulad ng buhay. Ito
ay nagbibigay ng impormasyon sa pagpapaunlad ng mga polisya at programang pagpapaulad,
nagbibigay suporta sa paghahatid ng serbisyo sa publiko at pag-promote ng accountability and transparency.Ang mahahalagang estadistika ay
mula sa kumpleto at maayos na sistemang Pagtatalang Sibil, tulad ng opisyal na estadistika
galling sa iba pang mapagkakatiwalaang administrative sources, ay kailangansa pag-monitor ng Sustainable Development Goals. Kaya ito ay mahalaga na maging tulay
sapag-buong mahahalagang estadistika at pagpapahayag ng mahalagang paggamit nito
sa pamamahala, polisiya at pagpaplano.
Ilan sa mga dapat bigyan
ng pansin sa CRVS ay ang mga sumusunod:
Ø
Mga
batang hindi nairehistro kung kaya’twalang pagkakakilanlan o legal identitiy.
Ang legal napagkakakilanlan at mataas na kalidad at ibat-ibangestadistika ay
pangunahing kailangan para sa prinsipyong “leaving no one behind” o “walang maiiwan
kahit isa” o “kasama lahat.”
Ø
Pagbibigay
ng mahahalagang legal napagprosesong dokumento ng kapanganakan at kasal para sa
pagpapaunlad ng pagsubaybay sa edad ng pagpapakasal at paano mapapalakas ang Pagtatalang
Sibil upang sumuporta sa pagbabalangkas ng polisiya na mapigilang pag-aasawang wala
pa sa tamang edad.
Ø
Tama,
kumpleto at napapanahong estadistika ng kadahilanan ng pagkamatay. Ito ay
kritikal sa pag-alam ng lawak o bigat ng mga pangunahing problema sa karamdaman,
at pagsasaayos, pagsasakatuparan at pag-susuring programa at polisiya ukol sa kalusugan.
Ang CRVS ay pangunahing element ng maayos na pamamahala
at epektibong pambansang institusyon. Nararapat lamang na ang lahat ay
magpatalasa Tanggapanng Pagtatalang Sibil kung saan ang bata ay ipinanganak. (PSA-Laguna)
Comments
Post a Comment