Sa
kahilingan ni dating Punong Barangay Ramon Velasco na ngayon ay naninirahan sa
Bologna, Italy, ang Philippine Guardians Brotherhood, Inc.- Italy Executive
Council na pinamamatnugutan nina Vice President Leonardo “RMG Ding” Mangubat at Executive Secretary Remelito “MG
Romuluz” Belen ay nagkaloob ng tulong na bigas sa mga residenteng Barangay Imok
sa Calauan kung saan umabotsa 400 pamilya ang natulungan, na nagkaroon ng makabuluhan
damdamin sa mga napagkalooban ng tulong sapagka’tito ay kanilang na tanggap sa panahon
ng kapaskuhan.
Magugunita
ng ang mga pataniman ng niyog sa Barangay Imok ay lubhang naapektuhan ng pesteng
cocolisap, na pinalubha pa nang magdaanan ng Bagyong Glenda na napinsalanarin ang
mga tanim na lansones at iba pang halaman sa lilim ng mga punong niyog na sa kabuuan
ay apektado ang buong kabuhayan ng mga residente rito.
Sa ulat
ni Lito Belen mula sa Bologna, ang nag hatid ng tulong mula sa Italya ay sina Pangulong
Ramon “MG Daddy” Quiling, Founder Jose “FGGF Ute” Avenido, at Nelson “SGF
Nelmer” Merong PGBI-Bologna.
Kaalinsabay
ng paghahatid ng Tulong Kawang gawa sa Barangay Imok ang pamamahaging food
packages na naglalaman ng groceria, tsinelas, at iba pang kagamitan sa Nabuklod
na isang barangay sa Pampanga bilang special project ng PGBI Overseas
Organization.
Samantala,
napag-alaman pa rin na noong nakaraang Linggo, Enero 18, ay pormal na natalaga ang
pamunuan ng bagong tatag na balangay ng PGBI sa Bayan ng Parma, saItalya rin na
dinaluhan at sinaksihan ng mga bumubuong PGBI Italy Executive Council. (PahatidniLito
Belen)
Comments
Post a Comment