
Bilang pagkilala sa patuluyang pagsuporta ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Blood Banking Service ng San Pablo City Red Cross Chapter, sa pakikipagtulungan ng San Pablo City (Host) Lions Club, pinagkalooban ng gawad ng pagpapahalaga at pagkilala ang brigada ng lokal na pamunuan ng Philippine National Red Cross. Nasa larawan si Col. Jorge Valbuena Segovia, commanding officer, nang tanggapin ang gawad mula kina Chapter Chairman Palermo A. Bañagale, Chapter Administrator Dorie P. Cabela, at Club President Romy Awayan sa isang palatuntunang ginanap sa San Pablo City Shopping Mall noong nakaraang Sabado. (CIO Photo)
Comments
Post a Comment