Pag-alinsunod sa Palatuntunang Mamamayan Ating Ingatan na inilunsad noong magtatapos ang Taong 2004 bilang isang konsehal na bumalangkas ng palatuntunan sa paghahatid ng mga tulong na panglipunan sa mga mamamayan, nabanggit ni Vice Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na ang mga mamamayang ay patuloy na paglilingkuran ng kanyang tanggapan o ng Office of the Vice Mayor sa abot ng kaniyang kakayanan, at ang lahat ay kanyang hinihikayat na makipag-ugnayan sa kaniyang tanggapan upang ilahad ang kanilang pangangailangan, bagama’t tinatanggap niyang hindi niya maipagkakaloob ang lahat ng mga magiging pangangailangan ng mga lumalapit na mamamayan, subali’t nabanggit niyang may mga pamamaraan upang ang kanyang tanggapan ay makapagkaloob o makapagpaabot ng mga paglilingkod at pagtangkilik na panglipunan.
Kaugnay ng malawakang kampanya na inilunsad nila ni Alkalde Vicente B. Amante laban sa Dengue Fever, nabanggit ni Vice Mayor Martin Ilagan na dapat ay naaayon sa rekomendasyon ni Dr. Job Brion ang dapat isagawa, dahil sa ang nakataya rito ay public health kaya dapat na matiyak na ang proseso ng pagsugpo sa pagkalat ng lamok ay naaayon sa pamantayang pangkaligtasan na itinakda ng Department of Health.
Tulad ng fogging operation o pagbubumba ng usok sa kapaligiran, pag-alinsunod sa tagubilin ng Department of Health, ito ay panghuling hakbangin at isasagawa lamang kung sadyang malawakan na at maituturing na epedimya na ang paglaganap ng sakit na Dengue Fever sa lunsod. (BENETA News)
Comments
Post a Comment