ALAMINOS, Laguna - Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC), iniulat ni Municipal Agriculture Officer (MAO) Gladys D. Apostol dito na pag-alinsunod sa nagkakaisang tagubilin nina Gobernadora Teresita S. Lazaro at Alkalde Eladio M. Magampon, ang kanyang tanggapan ay naglunsad ng isang malawakang palatuntunan sa pagtatanim ng gulay, una ay upang matugunan ang pangangailangang pangnutrisyon sa bawa’t tahanan, at kung ang nagtatanim ay magkaroon na ng sapat na karanasan at kamalayan sa paghahalaman, ay mapagkukunan pa ito ng karagdagang kita na mitutustos sa iba pang pangangailangan ng pamilya.
Tinitiyak ni Gng. Gladys Apostol na malaki ang potensyal ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay bilang paraan ng paghahanapbuhay. Dahil sa maraming pamayanang dating pataniman ng gulay, ang ngayon ay nasakop ng mga industrial zone o naging tayuan ng mga malalaking pabrika o bahay-kalakal. Ito ay nagpababa sa antas ng produksyon ng pagkain dito sa mga Lalawigan ng Laguna at Batangas.
Samantala, ikinalulugod ni Mayor Magampon na ang Tanggapan ng Gobernadora Lazaro ay nagkaloob ng 32 Knapsack Sprayer at tatlong flame thrower na kanilang ipinamahagi sa iba’t ibang barangay dito sa pamamagitan ng MAFC, na malaki ang maitutulong upang maitaas ang ani sa mga pataniman dito. (BENETA News)
Ano na ang latest sa kaso ni Damaso Amante. I wrote the XXX ABS-CBN on this matter pero wala silang follow up. Namatay na ang issue. Pati hepe ng Pulis and the Regional Director can't do anything about the Amante's of SPC. Ano na naman yan, Pati ang NBI and PDEA walang silbi. Sa mga kinauukulan sugpuin na natin ang droga sa ating bayan. magtrabaho naman kayo.
ReplyDeleteMolly Bondad
Los Angeles, CA