Ang pangangasiwa ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng San Pablo City, ay nagpapaabot ng pasasalamat at pagpapahalaga sa lahat ng mga nagsipagpaunlak na tumugon sa paanyayang daluhan ang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios na isinagawa noong nakaraang mga Araw ng Biyernes at Sabado, Oktubre 29 at 30, 2010, sa kabila ng katotohanan na noong unang gabi ay masungit ang umiiral na kalalagayan ng panahon, at malakas at patuloy ang pagpatak ng ulan.
Ang mga nagnanais na patuloy na makapagsuri sa mga doktrinang sinasampalatayanan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo, ay pinapayuhang sila ay magtungo sa pinakamalapit na gusaling sambahan sa kanilang tahanan, at doon ay may mga ministro na handang tumugon sa ano man nilang mga magiging katanungan.
Dito sa sakop ng Lunsod ng San Pablo, bukod sa Lokal ng San Pablo City na ang gusaling sambahan ay nasa Barangay IV-B, ay may mga lokal ang Iglesia Ni Cristo sa Barangay Atisan, Barangay Santa Maria, Barangay Concepcion, Barangay San Diego, Barangay San Marcos, Barangay San Juan, Barangay San Nicolas, Barangay Santa Monica, at Barangay Santiago I na pawing may destinadong ministro na ngangalaga sa mga pangangailangang pang-ispiritwal ng mga kaanib nito.. (Ruben E. Taningco)
ano po ang oras ata araw ng pagsamba sa inyong lokal? salamat
ReplyDelete