Iniulat ni Insp. Rolando A. Libed, hepe ng Community Relations Desk ng San Pablo City PNP Station, na ang kanilang himpilan ay may itinataguyod na feeding program, sa tulong ng Prime Movers (PRIMO) for Peace and Progress Association, Inc.-San Pablo City Chapter, para sa mga street children na karaniwang ginaganap sa harapan ng bantayog ni Dr. Jose P. Rizal sa Liwasang Lunsod.
Sa pakikipanayam kay Ten. Rolly Libed, na karaniwang tinatawag ng mga batang lansangan na “Kapitang Inggo,” napag-alaman na ang mga kagawad ng PRIMO ang naghahanda ng pagkain, at karaniwang ang kanilang napakakain ng hapunan ay umaabot sa 100 bata, na pagkatapos ng kainan, ay nagkakaroon ng kantahan ang mga bata, at bago maghiwahiwalay ay may kumbidado silang relihiyoso para magkaloob ng mga pagpapayong pang-ispiritwal sa mga bata, na nilalakipan na rin ng tamang pangangalaga sa kalinisan ng kanilang katawan o personal hygiene.
Ang payo ni Rolly Libed sa mga bata ay “maging masigla kayo sa pagdalo sa pagtitipon o pagsamba, saan mang sekta kayo nabibilang.”
Sa obserbasyon ni Supt. Leonard L. Luna, ang bagong hepe ng pulisiya sa lunsod, ang feeding program ay gumagawa sa mga batang lansangan na magkakaibigan, at simula ng ito ay ilunsad ni Ten. Libed ay nabawasan at inaasahang tuluyan ng mawawala ang kanilang pag-aaway. Ang iba ay nahihikayat ng bumalik sa kanilang tahanan, at sa pag-aaral sa susunod na pasukan. (Ruben E. Taningco)
Galing talaga ni tatay Libed eh.....sna lahat ng pulis kagaya ño po......
ReplyDeletemore power to your programs for the welfare of sreet children....