MANILA, Philippines - Binalaan ng tanggapan ng Ombudsman ang matataas na opisyal ng pamahalaan hinggil sa pagkuha ng transportation allowance.
Ito’y makaraang suspendihin ng Ombudsman si Teresita Rivera, Division Manager C-Commercial ng San Pablo Water District sa San Pablo City, Laguna dahil sa pagkuha nito ng transportation allowance para sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre 2008 kahit naisyuhan na ito ng sasakyan na 2006 Toyota Hilux na naka-assign sa kanya.
Sinabi ni Deputy Ombudsman for Luzon Mark E. Jalandoni, si Rivera ay lumabag sa COA Circular No. 75-6 ng Nov. 7,1975 na nagbabawal sa sinumang opisyal ng gobyerno na humingi pa ng transportation allowance gayung mayroon nang naisyu ritong sasakyan.
Hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman ang argumento ni Rivera na ang sasakyan ay hindi naka-assign sa kanya kundi kay Renato Pullo at walang naipapagamit sa kanyang sasakyan ang pamahalaan kayat nakolekta siya ng transportation allowance.
Sa imbestigasyon ng Ombudsman, ang sasak yan ay na-isyu kay Pullo noong Nob. 21, 2008 lamang at ginamit na ang naturang sasakyan ni Rivera sa kabila ng patuloy na pagkolekta nito ng transportation allowance sa gobyerno.
Comments
Post a Comment