Skip to main content

Posts

INAUGURAL CEREMONY GINANAP PARA SA MGA PINUNONG HALAL

SAN PABLO CITY - Para sa isang makabuluhan at epektibong pamamahala pinasimulan ng isang banal na misa ang unang araw ng paglilingkdo ng mga halal na opisyal ng lunsod. Ang misa na pinangasiwaan ni Msgr. Melchor Barcenas, Kura Paroko ng Parokya ni San Pablo, Unang Ermitanyo, na ginanap noong Hulyo 2, 2007 sa One-Stop Processing Center. Sinundan ito ng Palatuntunan ng Pagtataas ng Watawat. Hiniling ng lahat ng mga opisyales sa pangunguna nina Mayor Vicente B. Amante at Vice-Mayor Frederick Martin A. Ilagan, na bigyan sila ng pagkakataong maipagkaloob ang taus-pusong paglilingkod sa mamamayan. Nanawagan din ang bawat isa na kalimutan na ang pulitika, manapa’y magkaisa para sa kaunlaran at kagandahan ng lunsod. Isang maalab na pagtanggap naman ang tugon ng mga tao sa panawagan ng mga halal ng bayan, sa pangunguna ng mga hepe ng iba’t ibang tanggapan at ahensya ng pangasiwaang local, kasama ang mga sangay ng mga tanggapan ng pangasiwaang pambansa sa lunsod na ito. Ang inaugural ceremony a...

MOBILE PASSPORTING SA ARAGO

Nagpapaalaala si Congresswoman Maria Evita R. Arago (3rd District, Laguna) na ang kanyang tanggapan ay magtataguyod ng Mobile Passporting sa pakikipagtulungan ng Regional Consular Office sa Lucena City ng Department of Foreign Affaairs sa darating na Sabado, Agosto 4, 2007, simula sa ika-8:00 ng umaga sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco. Kaugnay nito, tinagubilinan ni Alkalde Vicente B. Amante ang Local Civil Registrar, ang City COMELEC Office, at ang Satellite Office ng National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa ikapagtatagumpay ng palatuntunang ito ni Rep. Ivy Arago upang ang mga applicant for the issuance of passport ay madaliang mapagkalooban na kinakailangan mga kasulatan, na ito naman ay maayos na maisasagawa dahilan sa ang proyekto ay magagawang on-line. Ang requirements o pangangailangan sa paghiling ng passport ay ang mga sumusunod: 3 kopya ng passport-size (4.5 cm x 3.5 cm.) picture na maayos ang kasuutan at pu...

PROKLAMADO NA SI NINGNING

Pormal ng proklamado si Gobernadora Teresita Santiago Lazaro bilang muling nahalal na Gobernadora ng Lalawigan ng Laguna noong Miyerkoles, Hunyo 27, 2007 sa Santa Cruz matapos tanggapin ng Provincial Board of Canvassers ang Certificate of Canvass mula sa Biñan at naipagpatuloy hanggang sa ganap na natapos ang provincial canvassing. Ang nagtataas ng kamay ng punonglalawigan na nagsimula na ng kanyang ika-3 termino noong tanghaling tapat ng Sabado, Hunyo 30, ay sina Provincial Prosecutor George Dee, Board Vice Chairman, Provincial Election Supervisor Dioscoro P. Pajutan, Board Chairman, Samantalang nakamasid si Provincial Schools Superintendent Lilia T. Reyes, Board Secretary. Nabalam ang proklamasyon ng 43 araw dahil sa nabalam ang canvassing sa Bayan ng Biñan. (CIO-San Pablo)

P O P T A L K . . . . .
Ni Ruben E. Taningco

SENSU NG POPULASYON Sa darating na Agosto ng taong kasalukuyan, ay isasagawa ang population census sa buong bansa sa pangangasiwa ng National Statistics Office (NSO), na ang magiging paksa ng pagtatanong ay ang kalalagayan ng isang sambahayan sa unang araw ng buwan o sa Agosto 1. Ito ang kasunod na sensu ng populasyon na isinagawa noong Taong 2000 na ang reperensya ng pagtatanong ay Mayo 1. Dapat isipin ng lahat, na lubhang mahalaga na maging matapat o tama ang isasagawang pagbibilang ng mga mamamayan sa bawa;t particular na yunit ng pamahalaang lokal, lalo na sa antas ng barangay, sapagka’t ang bilang ng populasyon ang pangunahing batayan sa pagbalangkas ng mga palatuntunang pangkaunlaran. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 7160 o Local Government Code of 1991, ang populasyon ang batayan sa pagtaya sa magiging kabahagi ng isang barangay sa Internal Revenue Alltoment (IRA); paara matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan. Sa panig ng Kag...

PAGPAPAREHISTRO NG ANAK,
ISANG PANANAGUTAN NG MAGULANG

Nagpapaalaala si NSO Laguna Provincial Statistics Officer Magdalena T. Serqueña na ang pagpaparehistro sa Local Civil Registrar ng kanilang kasisilang pa lamang na sanggol ay isang pananagutan ng isang magulang, at ito ay naaayon sa isang paninindigan ng United Nations Organization na nabigyang diin ng ganapin sa Pilipinas ang National Conference Workshop on First Rights of Children noong Marso 1, 1999. Ayon kay Bb. Serqueña, malinaw na itinatagubilin ng Artikulo 7 ng Convention on the Rights of the Child (CRC), na “Ang sanggol ay dapat ipatala kaagad pagkasilang dito, at ang sanggol ay may karapatan simula sa pagkapanganak dito sa isang pangalan, at karapatan na magkaroon ng pagkamamamayan o nationality.” Sakali’t sa isang barangay o pamayanan ay may masusumpungang mga sanggol o batang lumalaki na hindi pa naipatatala sa Local Civil Registrar, ay makabubuting ang kanilang mga magulang o tagapangalaga ay makipag-ugnayan sa kanilang Local Civil Registrar, na dit...

PAGHANDAAN ANG KALAMIDAD

STA. CRUZ, Laguna – Sa dahilang ang katalagahan o appointment ng mga Designated City and Municipal Disaster Manager na sa buong lalawigan ay nasa koordinasyon ng Provincial Social Welfare and Development Officer ay hanggang tanghaling tapat ng Sabado, Hunyo 30, nanawagan si Senior Board Member Karen C. Agapay sa lahat ng mga punumbayan na kaagad ay magtalaga o I-renew ang designation ng mga gaganap nito, at pasiglahin na rin ang kanilang city or municipal disaster coordinating council para ganap na mapaghandaan ang angkop na palatuntunan ng paghahatid mga tulong na pangkagipitan, sakali’t sa kanilang particular na pamayanan ay may magdaan o maganap na kalamidad. Ipinagugunita ni Atty. Agapay na may paalaala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na sa buwang hinaharap ay may mga palatandaang malaki ang posibilidad na ang bansa ay makakaranas ng La Niña o mga mahahabang oras ng pag-ulan, na may mga pagkakataon pang may ma...

SENSUS NG POPULASYON SA AGOSTO

LIPA CITY - Pinaaalalahanan ang lahat na ang National Statistics Office ay magsasagawa ng population census sa darating na buwan ng Agosto sa buong bansa na ang magiging batayan ng kukuning datus ay ang kalalagayan ng sambahayan sa araw ng Miyerkoles, Agosto 1, 2007 , sang-ayon sa pahayag ni NSO-Region IV-A Director Rosalinda P. Bautista nang makapanayam ng ilang kinatawan ng local mass media sa kanyang tanggapan dito. Ang magiging katanungan ng mga enumerator o census taker ay ang bilang at pangalan ng mga naninirahan sa bansa, at maging ng mga dayuhang inaasahang titigil sa bansa sa loob ng isang taon o mahigit pa, at ang mga pangunahing impormasyong kukunin ay ang gulang, kasarian, kalalagayan sa buhay, edukasyon o pinag-aralan, at iba pang kalalagayan kinakailangan sa pag-aaral sa suliranin ng populasyon. Ipinapapansin ni Director Rosalinda P. Bautista na ang Census Day for Population Census 2007 ay Agosto 1, 2007 , kaya kung ang isang ama ng tahanan ay matatanong o makukuna...