Skip to main content

Posts

Global Adult Tobacco Suvey (GATS) isinasagawa ng NSO

Ngayong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, ang Pambansang Tanggapan ng Estadistika o National Statistics Office (NSO) ay nagsasagawa ng sarbey tungkol sa paggamit ng tabako. Ito ay tinatawag na Global Adult Tobacco Survey o GATS. Ang sarbey na nabanggit ay isinasagawa ng ahensya sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at iba pang internasyonal na organisasyon tulad ng World Health Organization (WHO), Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health (JHSPH), Research Triangle Institute (RTI), Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at CDC Foundation. Nilalayon ng sarbey na mangalap ng impormasyon tungkol sa kung ilan ang porsyento ng populasyon ang naninigarilyo, gaano kalimit ang paninigarilyo, at ang paggamit ng tabako na may usok (smoking) at walang usok (smokeless). Ilan din sa mahahalagang bagay na sakop ng sarbey ay ang exposure ng populasyon sa tinatawag na “ second-hand smoking ” o exposure (o paglanghap) ng tao sa usok ng sigarilyo mula sa isang...

Proposed San Pablo City General Hospital

Harapang bahagi ng Proposed San Pablo City General Hospital Building na nakatutugon sa pamantayan ng Department of Health para sa disenyo at aktwal na kayarian ng isang ospital. Ito ay inaasahang mapasisinayaan at mabubuksan sa darating na Oktubre 27, 2009 para makapaghandog ng makabuluhang paglilingkod na pangkalusugan sa lahat ng uri ng mamamayan.

PAGKAKATATAG NG PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION, IPINAGDIRIWANG NG SAN PABLO CITY MEDICAL SOCIETY

Tumutukoy sa paksang “Manggagamot Mamamayan Pamahalaan, Nagkakaisa Sa Kalusugan,” ang San Pablo City Medical Society ay nagtaguyod ng mga gawain upang maipagdiwang ang ika-106 taon ng pagkakatatag ng Philippine Medical Association (PMA). Ang pambansang lipunan ng mga manggagamot sa bansa, na may mga balangay na rin sa iba’t ibang bansa at teritoryo. Noong Lunes, Setyembre 14, sa paanyaya ni Mayor Vicente B. Amante ay ang San Pablo City Medical Society ang nagtataguyod ng tradisyonal na flag ceremony sa City Hall na pinangasiwaan nina Dra. Marisonia Belen-Tan, Vice-President at Dr.Emmanuel Loyola, Past President ng SPC Medical Society at kasalukuyang kagawad ng Board of Governors ng Philippine Medical Association na ang Pambansang Pangulo ay si Dr. Rey Melchor F. Santos, kasama sina; Dra. Cynthia Sanchez; Dra. Natividad Cariaga at Dr. Norman Alidio. Si Dr. Loyola ay pangunahing kasangguni ni Mayor Vic Amante sa pagpapatayo ng San Pablo City General Hospital na nap...

PHILIP MORRIS, NAGHATID NG TULONG NA PANGKALUSUGAN SA SAN PABLO CENTRAL SCHOOL

Personal na ipinaabot ni School Principal Analiza D. Banayo ang pasasalamat sa pangalan ng pangasiwaan ng San Pablo Central School sa tulong na pinagkaloob ng Embrace Foundation na kinatawan ni Manager Felizardo C. Mercado Jr. (kanan) sa pakikipag-ugnayan sa San Pablo Seven Lakes Jaycees na pinangungunahan ni Pangulong Jojo Agoncillo.. SAN PABLO CITY – Sa koordinasyon ng Embrace Foundation, na may pakikipagtulungan ng Junior Chamber International-San Pablo Seven Lakes, Philippine Band of Mercy, at City Health Office, ang Philip Morris Philippines Manufacturing, Inc. ay naghatid ng paglilingkod ng pagsusuring medical at dental sa mga Grade I Pupils ng San Pablo Central School noong nakaraang Martes, Setyembre 8, 2009, simula sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali, na ginanap sa Rizal Hall ng nabanggit na pinakamalaking elementary school unit sa lunsod na ito. May mga batang matapos na masuri ay pinagkalooban ng mga vitamin, at ang iba ay sumailalim ng ...

AFA and PCAMRD To Conduct Summit Summit On Shellfishes

The Asian Fisheries Academy (AFA) and the National Fisheries Research and Development Institute of the Department of Agriculture headed by Dr. Westly R. Rosario, and the Philippine Council on Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD) of the Department of Science and Technology under the leadership of OIC Executive Director Cesar R. Pagdilao will conduct the 1 st National Summit on the Culture and Processing of Shellfishes at the Asian Fisheries Academy at the NIFTDC-BFAR Complex in Bonuan-Binloc, Dagupan City on September 23-24, 2009. The summit theme is “Enriching Fisherfolks’ Live Through Culture and Processing of Shellfishes.” Dr. Rosario said the aim of the summit is to gather information on shellfishes, like mollusk and crustaceans, particularly on the status of the fisheries. Available technologies, identify gaps and market for the development and management of the shellfish industry, identify strategies for the formulation of a five-year road map for the ...

MGA MEDICAL MISSION NI IVY ARAGO, SABAYANG ISINAGAWA SA CALAUAN

CALAUAN, Laguna - Umabot sa kabuuang 2,771 katao ang napaglingkuran ng medical mission na itinaguyod ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago sa dalawang barangay dito noong nakaraang Biyernes, Setyembre 4, 2009 sa tulong ng isang pribadong grupo ng mga manggagamot at mga para-medical personnel na inanyayahan para matiyak na maayos na maisasagawa ang sabayang pagkakaloob ng mga paglilingkod na medical, at pamamahagi ng angkop at sapat na gamot, sang-ayon kay ABC President Jaime P. Goyena Jr. Sa pakikipanayam kay Goyena, na kasalukuyang punong barangay ng Barangay Lamot 2, ang isang grupo ng mga manggagamot ay naglingkod sa Barangay Dayap kung saan umabot sa kabuuang 1,596 may karamdaman ang natulungan, at ang isang pangkat ay sa Barangay Bangyas, malapit sa LLDA Compound, kung saan 1,175 katao ang nasuri at napagkalooban ng angkop na gamot. Nabanggit naman ni Vice Mayor June Joseph F. Brion na ang 2,771 ay bilang ng mga nasuri at napagkalooban ng gamot ng Tangg...

13TH KABYAW PARA SA KALIKASAN

Masiglang pinag-usapan nina Pangulong Jojo Agoncillo, City Administrator Loreto S. Amante, at Project Chairman Michael Perez ang mga panghuling hakbangin dapat isagawa sa ikatitiyak na magtatagumpay ang 13 th Kabyaw Para Sa Kalikasan ngayong Linggo ng umaga. Sa pagtataguyod at pagtangkilik ng Junior Chamber Inte rnational (JCI) San Pablo Seven Lakes, ay isasagawa ang 13 th Kabyaw Para Sa Kalikasan, isang 70-kilometer Mountain Bike Race na lilibot sa buong Lunsod ng San Pablo na isang pagsisikap na madalaw ang pitong (7) lawa sa loob lamang ng ilang oras , ngayong darating na Linggo, Setyembre 13, 2009 sang-ayon kay JCI Member Jose “Jojo” A. Agoncillo Jr., pangulo ng lokal na organisasyon. Ang Project Chairman para sa ika-13 karera ay si JCI Member Michael Perez. Ang starting point ay sa Deña Leonila Park , at doon din gaganapin ang announcement of winners and awarding of prizes. Isang taunang proyekto ng JCI San Pablo, na lalong kilala bilang San Pablo “Seven Lakes...