Nagpapaalaala si Gng. Paz T. Dinglasan, officer-in-charge ng Business Permit and License Division ng Tanggapan ng Punonglunsod, na ang muling pagtubos o renewal ng business permit and license, na lalong kilala sa katawagang Mayor’s Permit, ng lahat ng mga nangangalakal o nagninegosyo sa lunsod na ito, na sinimulan noong nakaraang Lunes, Enero 5, 2009, ay hanggang sa araw ng Martes, Enero 20, 2009, at pagkalipas nito, ang lahat ng mahuhuli ay lalapatan na ng rekargo o multang katumbas ng 25% ng dapat nilang bayaran.
Napag-alamang ang mga aplikante bilang karagdagang pangangailangan simula sa taong ito ay dapat magharap ng Certificate of Registration mula sa Bureau of Intenral (BIR), income tax return, at Clearance mula sa Social Security System (SSS). Ito ay karagdagan sa dati ng pangangailangan, tulad ng barangay clearance, registration of business names, at special licenses batay sa uri ng negosyo na kanilang pinangangasiwaan o pinakikilos sa lunsod na ito..
Dahil dito, nagpapayo si Gng. Dinglasan na upang makaiwas sa suliranin sa pagtubos ng lisensya sa panahong siksikan na ang aplikante sa One Stop Processing Center, makabubuting ang application for renewal of business permit ay asikasuhin na kaagad, at para sa karagdagang kapaliwanagan ay maaaring makipag-ugnayan kay OIC Paz T. Dinglasan sa Business Permit and License Division ng Office of the City Mayor na nasa Window 8 sa One Stolp Processing Center. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment