Nagpapaalaala si Provincial Administrator Dennis “DSL” S. Lazaro sa lahat ng pinagkalooban ni Gobernadora Teresita S. Lazaro ng PhilHealth Card, na dapat na laging inuusisa ang kanilang card upang kung ito ay malapit na ma-expire o matatapos na ang takdang panahon na ito ay makakapagkaloob ng tulong sa pagpapagamot, ay kaagad itong ipaalaala sa Tanggapan ng Punonglalawigan sa Santa Cruz sa pamamagitan ng Office of the City/Municipal Social Welfare and Development Officer, upang matiyak na ang premium ay mababayaran kaagad upang huwag maputol ang tinatamasang kaseguruhang pangkalusugan.
Magugunitang maraming mamamayan sa iba’t ibang lunsod at munisipyo sa lalawigan na sa rekomendasyon ng kanilang punong barangay ay pinagkalooban ng PhilHealth Card ng Tanggapan ni Gobernadora Ningning Lazaro sa ilalim ng tinatawag na Sponsored Program ng Philippine Health Insurance Corporation, at sila ay pinapayuhan ni Provincial Administrator DSL Lazaro na dapat na sila ay may iniingatang photo copy ng kanilang PhilHealth ID Card at ng kanilang Membership Data Record (MDR), sapagka’t ito ang hahanapin sa kanila pagpasok sa isang accredited hospital. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment