San Pablo City- Humigit kumulang sa 150 hanggang 180 pasyente sa Lunsod ng San Pablo ang nabibigyan ng libreng medical services araw-araw mula sa bagong City Health Extension Office sa Brgy. San Jose.
Mayroong 3 doktor, 2 nurse, 1 casual at mga registered nurse volunteers mula LC at SPC ang mga nangangasiwa sa araw-araw na serbisyong medikal kung saan hindi lamang libreng medical check-up ang ibinibigay kundi maging libreng gamot.
Sina Dra. Nida Glorioso, Asst. City Health Officer, Dr. Eduardo Quiambao at Dra. Ruth Belulia ang mga naka-assign na doctor na tumitingin sa lahat ng pasyente mula 8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.
Isinasaayos naman nina Nurse Coordinators Ofelia Tan at Amihan Bondad ang pila ng pasyente at upang maging maayos ang proseso ay nagbibigay sila ng card number sa lahat ng pasyente.
Mayroon din silang “Fast Lane” kung saan inuuna muna ang lahat ng senior citizens, day old babies at mga critical cases tulad ng mga nahihirapang huminga at may mataas na presyon.
Ang Extension Office ay nagbibigay rin ng mga medical certificates, medico-legal, at libreng papsmear. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment