San Pablo City- Naglabas ng bagong schedule ng libreng bunot ang City Health Extension Office para sa kanilang siyam (9) na health centers sa iba’t-ibang barangay.
Simula Sept. 1, 2010 ang libreng bunot sa Bagong Pook Main Health Center ay tuwing Monday at Tuesday (maliban sa 4th Tues. ) kung saan sina Dra. Gilda Valena at Dra. Nemia Bundalian ang naka-assign na mga dentista. Sa Concepcion MHC naman ay tuwing Tuesday at Thursday (maliban sa 3rd Thurs.) at naka-assign na dentist ay si Dra. Blesilda Reyes.
Sa 3 health centers naman kung saan naka-assign si Dra. Laureana Lacanilao ay Tuesday sa Del Remedio; Monday sa San Nicolas at 1st/4th Thursday sa San Roque. Libreng bunot rin tuwing Monday sa San Antonio I at Tuesday sa Sta. Maria Health Centers kung saan assign si Dra. Miriam Palomar. Tuwing Monday naman sa CHO Extension at Thursday sa Sto. Cristo kung saan assign si Dr. Jhun Ian Vidal.
Hindi lamang libreng dental services ang ibinibigay sa mga health centers na ito kundi maging lahat ng gamot na kakailanganin tulad ng anesthesia, antibiotic, pain reliever at iba pa. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment