SANTA CRUZ, Laguna - Umabot sa kabuuang 18,000 board feet ng coco lumber na nakalulan sa tatlong sasakyan, na tinatayang nagkakahalaga ng P0.5-milyon na ibinibiyahe ng walang sapat na kapahintulutan mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) ang nasabat ng Philippine National Police sa Biñan at San Pablo City kamakailan, at ang nabanggit na kconstruction materials na nakakarga sa isang Isuzu Truck at dalawang van ay naka-impound sa kampo o headquarters ng Laguna Provincial Police Office dito.
Iniulat ni Provincial Police Director Sr. Supt. Gilberto DC Cruz na ang pagkasabaqt sa mga kahoy ay bunga ng pagmamanman ng Intelligence Unit na pinangangasiwaan ni P/Supt. Florendo Saligao, at bahagi ng malawakang kampanya ni Gob. Jeorge “ER” Ejercito Estregan na mapangalagaan ang industriya ng niyog sa lalawigan, na maiuugnay din sa mga isinasagawang pangangalaga upang huwag makalbo ang kapaligiran, na itinataguyod rin ng pangasiwaan ng Philippine National Police.
Sa ulat ni Cruz sa punonglalawigan, apat n(4) na katao, na hindi muna ipinagkaloob sa media ang mga pangalan, ang ipinagharap na ng sakdal sa hukuman. At hanggat hindi napagpapasiyahan ng hukuman ang usapin ay mananatiling ang mga sasakyan ay naka-impound sa PNP Compound, samantala ang mga coco lumber ay maaaring ipagkaloob sa mga paggawain ng pamahalaan, tulad ng pagsasaayos ng mga gusaling pampaaralan, at proyektong ipinatutupad ng Provincial Social Welfare and Development Office. (Vic A. Pambuan)
Comments
Post a Comment