Sa pakikipag-ugnayan sa Consular Office para sa Katimugang Tagalog ng Department of Foreign Affairs, ang Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng mobile passporting sa darating na Nobyembre 20, 2010, araw ng Sabado, na gaganapin sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, simula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.
Ang halaga ng passport na ito, na iyong may uring “Machine Readable” ay P1,200, at ang pangunahing pangangailangan ay ang mga sumusunod: birth certificate na authenticated ng National Statistics Office; 2 valid identification card; at kung babaeng may-asawa ay authenticated marriage certificate.
Dahil sa prosesong ipinaiiral ngayon, ang tatanggapin lamang ay ang unang 500 passport applications.
Para sa kaayusan, ang passport application ay dapat na ipagkatiwala sa passport coordinator, na dito ay sa Tanggapan ni Congresswoman Ivy Arago, nang hindi kukulangin sa dalawang linggo (o 15 araw) bago ang nakatakdang Mobile Passport Service; upang sila ay mapayuhan sa tamang oras na sila ay haharapin ng mga Mobile Passport Service official.
Ang passport applicant ay dapat na personal na magsasadya sa Mobile Passport Service, liban na lamang ng mga batang wala pang walong (8) taong gulang, o matandang mahigit na sa 65 taong gulang.
Sa Mobile Passport Service ay hindi tinatanggap ang kahilingan para palitan ang nawawalang valid passport; pero tatanggapin ang kahilingan para palitang ang nawawalang paso ng passport o “lost expired passports.”
Para sa karagdagang kabatiran na may kaugnayan sa paghiling ng passport, ay maaaring tawagan si Bb. Len Baral sa cellphone number 0917-500 7707 o si Bb. Rowena Flores sa cellphone number 0919-651 8369. (CIO/Jonathan S. Aningalan)
Comments
Post a Comment