SAN PABLO CITY - Pinangunahan ni Jail Senior Inspector Arvin T. Abastillas ang clean-up drive pinangangasiwaan niyang San Pablo City District Jail nuong nakaraang Setyembre 11, 2010. Katulong niya si Jail Senior Inspector Adelaida Taburada at iba pang jail officers sa isinagawang paglilinis at pagsasaaayos ng mga selda sa piitan.
Ayon kay District Jail Warden Arvin T.Abastilaas regular nilang isinasagawa ang ganitong general cleaning upang mapanatili ang “good hygiene” and “healthy living” ng lahat ng inmates samantalang sila ay nasa pangangalaga ng bilangguan.
Bilang bahagi ng palatuntunang pangkalusugan, ang mga inmates ay sumailalim ng pagsusuri at gamutan sa tulong ng mga miyembro ng San Pablo City Medical Society sa pangungulo ni Dra. Marisonia S. Belen-Tan, kasama sina Past President Dra. Cynthia Sanchez na isang espesyalista sa diabetes, at Dra. Veney Manalo na isang kilalang manggagamot sa mga sakit sa puso.
Samantalang nililinis ang mga selda sa groundfloor ng main building, ang mga inmates ay pinaliwanagan para maayos nilang masubaybayan at mapangalagaan ang kanilang sariling kalusugan, at paglabas nila ay ng kanilang mga kasambahay,
Napag-alamang ang mga ganitong libreng serbisyo ng mga manggagamot ay sa pakikipagtulungan at koordinasyon ng Volunteers in Prison Service (VIPS) na pinangungunahan ni Sister Lutgarda Alvero, na naaayon sa layunin ni Director Rosendo Dial ng Bureau of Jail Management and Penology na maitaas ang kagalingan at kaunlaran ng mga napipiit sa bilangguan. May ipinatutupad din silang palatuntunan para sa kalinisang pang-ispiritwal ng mga napipiit sa tulong ng mga simbahang Cristiano na may kongregasyon sa lunsod na ito. (CIO/San Pablo City)
Comments
Post a Comment