Ipinaaalaala sa lahat na pag-alinsunod sa mga tadhana ng Resolution No. 9168 ng Commission on Elections ay ipinagpapatuloy ang pagtatala ng mga bagong botante simula pa noong nakaraang Martes, Mayo 3, 2011 na tatagal hanggang Oktubre 31, 2012, upang makaboto sa National and Local Elections na nakatakdang maganap sa Mayo 13, 2013.
Ang pagtatala ay isasagawa araw-araw, simula sa ika-8:00 nng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Walang isasagawang pagtatala simula Disyembre 23, 2011 hanggang Enero 1, 2012 bilang pagsasaalang-alang sa panahon ng Kapaskuhan.
Sang-ayon sa mga umiiral na batas, ang mga katanginan ng may karapatang magpatala ay ang mga sumusunod: mamamayang Pilipino na ang gulang ay hindi bababa sa 18 taon sa Mayo 13, 2013; naninirahan sa barangay na pagpapatalaan ng hindi kukulangin sa loob ng anim (6) buwan; at tuloy-tuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon, kung pansamantalang nanirahan sa labas ng bansa, at hindi nakapagpatala para sa mga nakaraang halalan.
Matapos na mailahad ang pinunuang pormularyo sa Tanggapan ng Election Officer, ay maghintay habang ito ay pinoproseso, hanggang sa siya ay tawagin para makunan ng biometric, na kasama na ang lagda, diit ng daliri, at larawan na itatala sa ipagkakaloob na COMELEC Identification card.
Ang mga rehistrado ng botante sa ibang lunsod o munisipyo na dating pinananahanan, at nagnanais na sa lunsod o munisipyo kung saan sila kasalukuyang naninirahan magpatala para tiyak na makaboboto sa Mayo 13, 2013, ay ay magsadya rin lamang sa Tanggapan ng Election Officer para ang kanilang Voter’s Registration Records ay mahiling na malipat kung saan mang bayan na kasalukuyan niyang pinanahanan. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment