Si Congw. Ivy Arago samantalang sinasangguni si Engr. Josefino Abrigo kaugnay ng isang proyektong hinihiling ng isang punong barangay. |
SITYO BALOC, San Pablo City – Masayang iniulat ni Punong Barangay Ariel S. Barrios ng Barangay Sibulan sa Nagcarlan, na sa tulong ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay maipatatayo na ang matagal ng pinapangarap na tulay paliban sa Ilog Sibulan, na tuwirang mag-uugnay sa walong barangay sa kabayanan ng Nagcarlan.
Bukod sa Barangay Sibulan, makikinabang din ang mga resident eng Barangay Maravilla, Manaol, Kanlurang Kabubuhayan, Banca-banca, Buenavista,
Buhangin, at Wakat, sa batay sa 2007 Population Survey ng National Statistics Office ay pinananahanan ng 6,866 o ika-16 porsyento ng populasyon ng Nagcarlan.
Ayon kay Barrios, malaki ang kanilang pasasalamat kay Congw. Ivy Arago, sapagka’t nang pagsadyain ng mga punong barangay ng walong nayon ang mambabatas, ay hindi kaagad sila pinangakuan ng tulong, sa halip, sila ay hinilingang bumalik pagkalipas ng dalawang linggo, sapagkat kinakailangan munang pag-aralan ito ng Department of Public Works and Highways upang matiyak na ang lahat ng pangangailangan ay matutugunan, sapagka’t ang gugugulin ditto ay mula sa mga buwis na ibinabayad ng mga mamamayan.
Nang mapag-aralanan at imungkahi ng District Engineer na ang tulay ay isang makabuluhang pangangailangan para sa kaunlaran ng kabuuan ng ika-3 Distrito sa particular, at ng Laguna sa kalahatan, ay kaagad gumawa ng mga pakikipag-ugnayan sa Secretary of Public Works and Highways, nagbunga ng paghiling sa Department of Budget and Management na magpalabas ng sapat na pondo para matustusan ang konstruksyon ng Proposed Sibulan Bridge, na may mga nagmumungkahing ito ay tawaging Jose Rizal Bridge dahil sa ang pagtatayo ay kaalinsabay ng paggunita sa ika-150 kaarawan ng pambansang bayani.
Sang-ayon kay Engr. Josefino Abrigo, isa sa mga staff engineer ng DPWH-Laguna Sub-District Engineering Office na may hurisdiksyon sa lawak ng 3rd Congressional District, ang pagpapatayo ng Proposed Sibulan Bridge na may uring Reinforced Concrete Deck Girder (RCDG) ay naging paksa na ng isang “open and competitive bidding” noong Martes ng umaga, na nilahukan ng mga kontratistang prequalified and included in the contractors list ng Office of the Secretary of the Department of Public Works and Highways. Tatanggapin ng winning bidder ang order to proceed with the construction bago matapos ang buwan ng Mayo. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment