Skip to main content

Posts

Showing posts from 2010

'Merry Christmas' In Different Languages

Christmas is celebrated the world over and people exchange gifts and wishes too. We present you a list of how to wish to your friends, neighbors, colleagues and loved ones, 'Merry Christmas' or 'Happy New Year' or both in more than 100 languages! Afrikaans Gesëende Kersfees Afrikander Een Plesierige Kerfees African/ Eritrean/ Tigrinja Rehus-Beal-Ledeats Albanian Gezur Krislinjden Arabic: Idah Saidan Wa Sanah Jadidah Argentine: Feliz Navidad Armenian: Shenoraavor Nor Dari yev Pari Gaghand Azeri: Tezze Iliniz Yahsi Olsun Bahasa Malaysia: Selamat Hari Natal Basque: Zorionak eta Urte Berri On!

Nice choice, Mayor? To see is to believe!

Congratulations to Mrs. Lerma Prudente (Womens' Sector) and to former city councilor Mr. Isagani Gutierrez (education Sector) for being appointed to the Board of Directors of our SPC Water District! Their term will commence on Jan. 01, 2011 to Dec. 31, 2016. Nice choice, Mayor? To see is to believe!    source : http://www.facebook.com/home.php?#!/profile.php?id=100000005951987

MASINOP NA PAGHAHANDA,
SUSI NG TAGUMPAY NG MGA GAWAIN – REP. IVY ARAGO

     Sa bawat pagkakataong ang Tanggapan ni Congw. Ma.   Evita R. Arago ay may ipatutupad na proyekto o palatuntunan, mahigpit ang tagubilin ng mambabatas sa kanyang mga kawaksing tauhan na ito ay dapat na maayos na inihahanda at pinagsisikapang masunod ang modelong Project Evaluation and Review Technic/Critical Path Method (PERT/CPM) upang ang implementasyon ng palatuntunan ay maayos na mamonitor at magtagumpay.         Naniniwala si Congw. Ivy Arago na   ang pulido at mahabang preparasyon ay mahusay na pamantayan upang makatiyak na ang mga nasabing programa ay makararating sa higit na nakararaming nangangailangan sa distrito, kaya ang pagsunod dito ay mahigpit niyang itinatagubilin.     Bunga nito ay ang laging pagiging mainit na pagtanggap at partisipasyon ng mga constituents upang maayos na masubaybayan at mapangalagaan ang proyekto..     Nabatid pang ang sistematikong mga pamamaraang ipinasusunod ng kongresista tulad ng maayos at detalyadong pagtupad sa gampanin ay ma

UMIWAS SA PAPUTOK

Nananawagan si City Administrator Loreto S. Amante sa lahat na maging maingat sa gagawaing pagsalubong sa Bagong Taon, at iwasan ang pagpapaputok ng malalaki at malalakas na rebentador, at pagsisindi ng malalaking luses dahil sa panganib na naidudulot nito sa isang tahanan.      Ayon sa city administrator, dapat paniwalaan ang paalaala ng Department of Health sa kapinsalaan sa katawan ng mga nasasabugan ng malalakas na rebentador, at ang mga ulat ng Bureau of Fire Prevention sa bilang ng sunog na ang pinagmumulan ay sinindihang luses o firework.      Maging ang usok mula sa paputok at pailaw, dahil sa ito ay likha ng pagkasunog ng pulbura, ay mapanganib na masinghot at makarating sa baga, kahit na ng mga malulusog ang pangangatawan at walang hika, paalaala pa ni Amben Amante.      Ipinaaalaala rin ni City Administrator Amben Amante na may umiiral na ordinansa o kautusang lunsod na nagbabawal sa paggawa, pag-iingat, pagtitinda o pagbibili, o pamamahagi ng mga laruang baril o

114TH RIZAL DAY

     SAN PABLO CITY – Tulad ng alin mang lunsod at munisipyo sa bansa, ang lunsod na   ito ay may inihanda ng palatuntunan sa paggunita sa ika-114 taon ng Pagka-Martir ni Dr. Jose P. Rizal sa darating na Disyembre 30, 2010, isang Araw ng Huwebes. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa harapan ng bantayog ng pambansang bayani sa liwasang lunsod simula sa ganap na ika-7:30 ng umaga.           Batay sa nakahandang palatuntunan, ang doksolohiya at ang pag-awit ng Bayang Magiliw ay pangungunahan ng San Pablo Central School Chorale, at si dating Bise Alkalde Palermo A. Bañagale bilang pangulo ng San Pablo City Cultural Society ang magkakaloob ng pambungad na pananalitam samantala bilang kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon, si City Schools Superintendent Dr. Enric T. Sanchez ang tatalakay sa kahalagahan ng paggunita sa kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal na kinikilalang pinakadakilang bayani ng bansa.      Inanyayahan din si Congresswoman M. Evita R. Arago na magbigay ng pananalita sa naban

TWIST TO SCIENCE WRITING

During the commemoration of the 47 th Anniversary   of the opening of field service office of the Department of Science and Technology in the Southern Tagalog Region, Hometown Journalist Rosandro “Sandy” A. Belarmino was recognized by the Department of Science and Technology-Region IV-A (CALABARZON) for his writing in the field of science and technology. He personally received the token of recognition from Director Raymund E. Liboro of DOST-Science and Technology Informtation Institute since the award is sanction by Science Secretary   Mario G. Montejo, witnessed by Dr. Alexander R. Madrigal, DOST-IV-A Regional Director. Incidentally, Sandy is the incumbent executive vice president of the Seven Lakes Press Corps. ( Athan Aningalan )

CONGRESSWOMAN NIGHT SA ENERO 16, 2011

Napag-alaman na sa halip na sumama na lamang sa Palatuntunang gaganapin sa mismong araw ng Kapistahan ni San Pablo sa Enero 15, na isang araw ng Sabado, si Congresswoman Ma. Evita R. Arago ay magtataguyod ng Congresswoman’s Night sa susunod na araw ng Linggo, o Enero 16 sa main stage rin sa plasa, gaya ng nakagawian na niyang ihandog   simula pa noong Enero ng 2008. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataong may mapanood ang mga taga-lunsod na dahil sa isinagawang mga paghahanda at pagtanggap ng panauhin ay nawalan ng pagkakataong makapanood ng mga palabas sa mga naunang gabi ng mga pagtatanghal na bahagi ng 16th Coconut Festival and Fair. Marami ring taga-lunsod na dahil sa gawain ay walang pagkakataong makauwi sa mismong araw ng kapistahan, kaya sila man ay dapat mabigyan ng pagkakataong makapanood ng mga “palabas” na bahagi na ng tradisyon at kultura sa lunsod na ito.        Ang Congresswoman’s Night ay tatampukan ng local talents, at na ang mga finale number ay ihandog ng mga kil

NSO-LAGUNA BINIGYAN NG PARANGAL

Ang National Statistics Office (NSO) ay nagdaos ng National Planning Workshop (NPW) sa Pryce Plaza Hotel, Cagayan de Oro City noong ika-30 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre 2010. Ito ay may temang: “Integrity, Accountability, Professionalism… Making a Big Difference”. Ang workshop na ito ay may layuning makapaglahad ang mga napiling lalawigan at rehiyon ng kani-kanilang husay sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin para ibahagi sa iba bilang halimbawa tungo sa pagpapapunlad ng ahensyang ito.   Kabilang sa ipinamahagi ay ang pagsasagawa ng 2010 Census of Population and Housing (2010 CPH). Gayundin, nakapagpalago rin ito ng karunungan at kakayanan sa bawat pinuno ng NSO sa pakikipag-ugnayan nila sa bawat isa mula sa Administrator hanggang Provincial Statistics Officers upang mamuno nang buong husay sa kani-kanilang lugar na pinamumunuan.               Naging panauhing pandangal si Secretary Cayetano W. Paderanga, Jr.   ng Socio-Economic Planning bilang Keynote Speaker .      

YOUNGEST MUNICIPAL COUNCILOR OF ALAMINOS

16-year old Diana Erika A. Montecillo of Barangay San Ildefonso was elected last Friday as president of the Federation of Sangguniang Kabataan of Alaminos (Laguna), making her the youngest member of the local Sangguniang Bayan. Youngest daughter of Provincial Social Welfare and Development Officer Ernesto Montecillo, and Almond Academy Foundation, Inc. elementary principal   Delia A. Montecillo,   Erika is a first year student at the College of Development Communication at the University of the Philippines at Los Baños. ( Ruben E. Taningco )

Pag-Ibig On Action

Si Alvi Comendador, isang marketing assistant sa PAGIBIG Fund Calamba Branch, ay regular na pinangangasiwaan ang PAGIBIG Service Desk sa One Stop Processing Center tuwing araw ng Lunes para tumanggap ng loan application, at tumugon sa mga katanungan,   mula sa miyembro ng PAGIBIG na nananahanan o may gawain sa kapaligiran ng Lunsod ng San Pablo at ng malaking bahagi ng 3 rd Congressional District of Laguna.( Ruben E. Taningco )

Nominees ng Education at Women Sectors

Mga kababayan namin sa San Pablo City, nabasa po namin sa bulletin board ng ating SPC Water District ang listahan ng mga nominees sa mababakanteng Board ng ating water district: WOMEN SECTOR: 1. NORMITA ANIVES, nominee ng YWCA of SPC 2. Dr. YOLLY BARLETA, nominee ng Daughters of Mary Immaculate Int'l. St. Paul 1st Hermit Circle 3. CLEOTILDE CAGANDAHAN, nominee ng Mother Butler Guild, San Pablo City Unit 4. NARCISA LEE HO, nominee ng Catholic Women's League at St. Jude Thaddeus Chapel 5. CHITA MEDINA, nominee ng Ladies of Charity 6. LERMA PRUDENTE, nominee ng Girl Scout of the Phil.at Kiwanis Club of Siete Lagos 7. EVA TICZON, nominee ng SPC Women's Federation 8. ELIZABETH LIM VILAL, nominee ng Samahang Pangkababaihan ng Brgy. del Remedio EDUCATION SECTOR: 1. SHIRLEY AWAYAN, nominee ng St. Peter's College Seminary 2. RAUL CASTANEDA, nominee ng AMA Computer College 3. ISAGANI GUTIERREZ, nominee ng Frontline Christian Academy, Kintner Christian Academy,

Estudyante ng Enverga nanguna sa Regional Statistics Quiz

Si Angelica P. Masalunga kasama si RD Rosalinda P. Bautista ng NSO (kaliwa) ang kanyang coach na si Ms. Myrna V. Catapangan at PSO Airene A. Pucyutan ng NSO Quezon.   Sa unang pagsali ng Manuel S. Enverga University Foundation – Candelaria campus, nanguna agad ang kanilang pambato na si Angelica P. Masalunga sa isinagawang rehiyonal na paligsahan sa kaalaman sa Estadistika nitong nakaraang Nobyembre 23.    Tinalo ni Angelica na nasa unang baitang sa kolehiyo sa kursong Accountancy ang 24 pang kalahok sa nasabing tagisan ng talino na ginanap sa CAP Development Center sa Lipa City.               Bago ganapin ang Philippine Statistics Quiz ( PSQ) Regional Elimination , nagkaroon muna ng kanya-kanyang provincial elimination ang limang (5) probinsya ng rehiyon.   Ang limang nanguna sa eliminasyon sa probinsya ang naglaban-laban sa rehiyonal na eliminasyon.    Umabot sa 20 kolehiyo dito sa CALABARZON ang nakasali sa rehiyonal na PSQ.    Ang simpleng si Angelica ay nakuha lamang ang

SM Cinema sa San Pablo, Bukas na

Ang SM Cinema, na binubuo ng apat (4) na sinehan ay pormal nang binuksan at pinasinayaan noong Biyernes ng tanghali sa pagmamagitan ng pagputol sa laso ni City Administrator Loreto S. Amante na hinahawakan nina City Councilor Angelo “Gel” L. Adriano, SM City San Pablo Cinema Manager Christian Magpantay, at SM Cinema Senior Officer Glenn Ang, matapos na ang kabuuan ng istraktura ay mabasbasan ni Padre Federico Asesor ng Missionary of Faith. Gumagamit ng makabagong movie projector at upuan, ang Cinema 1, 2, at 3 ay pawang may upuan para sa 300 manonood, samantala ang Cinema 4, na may built-in stage, ay may   393 upuan. ( Ruben E. Taningco )

WALANG BAYAD NA PAGSUSURI SA BUTO, ITINAGUYOD NG ANLENE MILK AT KIWANIS CLUB

     Ang Fonterra Brands Philippines, Inc. ang tagagawa ng Anlene Calcium Milk, sa pakikipag-ugnayan ng Kiwanis Club of Buklod San Pablo ay nagkaloob ng walang bayad na bone density screening sa 126 San Pableño na ang gulang ay mula sa 18 taon pataas   noong nakaraang Sabado, Nobyembre 27, 2010 na ginanap sa MSC Institute of Technology main campus sa kahabaan ng Mayor Artemio B. Fule Street, Ang kalakarang halaga ng bone density screening   ay umaabot sa P4,000 bawa’t pagsusuri sa tulong ng Achilles InSight Machine sa mga pribadong klinika sa Metro Manila, o ang kanilang naipaglingkod ay aabot sa halagang P504,000 kung binayaran ng bawat nagpasuri. Ito ay sang-ayon kay President Nica Prudente ng Buklod San Pablo.      Layunin ng bone density test   para maagang mabatid   kung ang kasalukuyang kalalagayan ng boto ay maayos o kung ito ay nanganganib na kapitan ng osteoporosis, isang karamdamang wala pang natutuklang lunas, subalit naiiwasan kung matututunan ang tamang pag-iingat sa s

585 BUNTIS, DUMALO SA KONGRESO

SAN PABLO CITY – Umabot sa kabuuang 585 nagdadalang-taong ina mula sa 217 barangay na bumubuo ng 3 rd Congressional District of Laguna ang dumalo sa kauna-unahang Kongreso ng mga Buntis na ipinatawag ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago noong Linggo, Nobyembre 28, 2010 sa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco, sa kabila na noon ay masungit ang panahon, at patuloy ang malalakas na pagpatak ng ulan.      Bilang laki rin naman sa isang baryo, na sa kanyang kabataan   pa man ay nagsimula na kaagad naglingkod sa pamayanan bilang Sangguniang Kabataan Chairman, ay ganap na nadarama at nauunawaan ni Congresswoman Ivy Arago na ang pangunahing dahilan ng pagkamatay o pagkakaroon ng kapansanan ng isang   ina ay salig o bunga ng kawalan ng pagkakataon na makapagpasuri sa manggagamot sa panahon ng kanilang pagdadalang-taon; kawalan ng sapat na unawa at kamalayan sa mga bagay na dapat niyang isagawa sa panahon ng paglilihi; at ang marami ay hindi nagaga

PAGPAPAKASAL SA VALENTINE DAY, TUTULUNGAN NI CONGW. IVY ARAGO

     Kayo bang magkasintahan ay kapuwa Catolico na nangangarap na makasal sa Katedral sa darating na araw ng mga puso o Valentine Day? Subalit kayo ay nangangamba na ito ay manatiling pangarap lamang, dahil sa kalakarang malaki ang nagugugol sa isang pormal na kasalang ginaganap sa loob ng simbahan.       Magkakaroon ng katuparan ang inyong pangarap kung tatanggapin ninyo ang paanyaya ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago, makilahok sa maramihan at sama-samang pagpapakasal na kanyang itataguyod at tatangkilikin sa darating na Lunes, Pebrero 14, 2011, sa San Pablo City Cathedral.       Ang dapat lamang gawain ng mga magkasintahang balak na magpakasal sa darating na taon, ay makipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago na nasa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco na may telepono bilang (049) 801-3109, upang kayo ay mapayuhan sa mga bagay na dapat ninyong isagawa para kayo ay mabiyayaan ng palatuntunang kaniyang iluluns

BUNTIS CONGRESS OF CONGW IVY ARAGO

      An aggregate total of 585 pregnant mothers, representing the 217 barangay comprising the 3 rd Congressional District of Laguna attended the 1 st Buntis Congress sponsored by Congresswoman Ma. Evita R. Arago last Sunday at the Siesta Residencia de Arago at Green Valley Subdivision in Barangay San Francisco, San Pablo City.        Raised in a rural atmosphere, whose first public office held was as Chairman of the Sangguniang Kabataan of Barangay San Francisco while still a high school students, then after completing a colleges was elected first councilor or senior member of the Sangguniang Panglunsod of San Pablo, Congresswoman Ma. Evita R. Arago fully understand that the basic reason behind   the medical causes of maternal death and disability are a range of social, economic and cultural factors that contribute to women’s health and nutritional problems before, during and after pregnancy, and are integrally linked to women’s low utilization of available health services.     

REUNION NG HUNTERS ’55 INTERNATIONAL

     Ang lahat ng mga kasapi ng Laguna College High School (HUNTERS) Class 1955 Association, Inc. ay inaanyayahang dumalo sa taunang pagtitipon sa darating na Sabado, Enero 8, 2011 sa Tahanan sa Bukid ni Pangulong Erlinda R. Reyes sa kahabaan ng national road sa Barangay Santo Angel, simula sa    ika-9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.      Ayon kay Pangulong Linda, ang pagtitipon-tipon ay “simpleng kainan,“ na bagama’t may mga nananagot sa pagsasalu-salunang pagkain, ang mga kanyang naging kamag-aaral sa high school na may-aari ay nais na magdala ng sarili niyang paboritong lutuin, panghimagas, at dessert, ay malayang makakapagdala nito na inaasahang makakapagbigay ng saya sa mga dadalo.      Gayon pa man, binibigyan ng diin ni Pangulong Linda na ang higit na mahalaga ay ang pagdalo ng kasapi, at huwag mag-aalaalang darating silang walang dala.      Nanungkulang Pangulo ng samahan sa Taong 2009-2011, sinabi ni Pangulong Linda R. Reyes na sa pagtitipon-tipong nab