Ang Fonterra Brands Philippines, Inc. ang tagagawa ng Anlene Calcium Milk, sa pakikipag-ugnayan ng Kiwanis Club of Buklod San Pablo ay nagkaloob ng walang bayad na bone density screening sa 126 San Pableño na ang gulang ay mula sa 18 taon pataas noong nakaraang Sabado, Nobyembre 27, 2010 na ginanap sa MSC Institute of Technology main campus sa kahabaan ng Mayor Artemio B. Fule Street, Ang kalakarang halaga ng bone density screening ay umaabot sa P4,000 bawa’t pagsusuri sa tulong ng Achilles InSight Machine sa mga pribadong klinika sa Metro Manila, o ang kanilang naipaglingkod ay aabot sa halagang P504,000 kung binayaran ng bawat nagpasuri. Ito ay sang-ayon kay President Nica Prudente ng Buklod San Pablo.
Layunin ng bone density test para maagang mabatid kung ang kasalukuyang kalalagayan ng boto ay maayos o kung ito ay nanganganib na kapitan ng osteoporosis, isang karamdamang wala pang natutuklang lunas, subalit naiiwasan kung matututunan ang tamang pag-iingat sa sarili.
Sa paliwanag ng mga consultant na sina Bb. Sandra Resha Alix at Joyce Castuli matapos na ang pasyente ay magawan ng bone scan sa tulong ng Achilles InSight Machine, napag-alamang ang mga banta na ang isang tao ay kapitan ng osteoporosis ay kalakaran ito sa mga taong mahigit na sa 60 taon, na kung babae ay menopausal na; malakas manigarilyo; palainum ng alak; at mahilig sa inuming may caffeine.
Banta rin sa mga taong ang pamilya ay may kasaysayang dindapuan ng osteoporosis; nagkaroon na ng bali o fracture sa buto; mababa ang antas ng nutrisyon, lalo na sa kakulangan sa Calcium at Vitamin D’ at ang kinagawiang pamumuhay.
Ayon kay President Nica Prudente, ang Teal Leader ng Anlene Bone Scan Team ay si G. Madz Talumpa; Consultants sina Bb. Sandra Resha Alix at Joyce Castuli; Bone Machine Operator si Darwin Samartino; Sampler si Joyce Olivares; at Production Assistant sina Jonathan Olivares, Joel Cabigas, at Paul Garcia.
Nagpapaalaala ang Anlene Bone Scan Team na habang bata pa, o kung wala pang 20 taong gulang, ay makabubuting magpakuha ng bone density screening, sapagkat kung may bantang sa kanyang pagtanda ay kapitan ng osteoporosis, ay matutulungan siya ng mga manggagamot na mapaunlad pa ang kanyang mga buto, sapagka’t ang buto ng tao ay patuloy na umuunlad o ang maximum bone mass ay matatamo sa mula sa gulang na 20 hanggang 25 taon, sa tulong ng tamang nutrisyon, pag-ihersisyo, at malinis na pamumuhay. (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment