SAN PABLO CITY – Ganap ng ika-11:00 ng umaga noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 18, 2010 ng manumpa ang may 1,000 halal na pinunong barangay sa lunsod na ito sa harap ni Mayor Vicente B. Amante sa seremonyang ginanap sa Main Auditorium ng San Pablo City General Hospital sa Barangay San Jose.
Ang mga pinunong barangay na nahalal noong nakaraang Oktubre 25, 2010 ay magsisimula ang panunungkulan ganap na ika-12:00 ng tanghaling tapat sa darating na Martesm Nobyembre 30, 2010 hanggang Nobyembre 30, 2013 ay nanumpa. Ang naganap na panunumpa ay sinaksihan nina nina Vice Mayor Angelita “Angie” L. Erasmo-Yang at mga Konsehal Leopoldo M. Colago, Rondel Diaz, Eduardo O. Dizon, Arnel C. czon at Edgardo D. Adajar. Ang DILG ay kinatawan ni City Local Government Operatioins Officer Marciana Sulte Brosas.
Ayon kay CLGOO Brosas, mabigat ang pananagutan o mga tungkulin at gawain ng mga pinunong barangay na nakasaad sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160, kaya ang bawa’t pinunong nayon na nagtaas ng kamay ay dapat na magkaroon ng malaskit para sa kagalingan ng mga mamamayang pinagtitikahan nilang npaglingkuran.
Binigyang diin naman ni Vice Mayor Angie Yang na ang mga barangay officials ay ang siyang pangunahing kabalikat ni Mayor Amante para sa pagpapatupad ng mga proyekto para sa kaunlaran ng lunsod.
Ipinaalaala ng Punonglunsod na wala ang sa;salungatan sa paninindigang pampulitika sa Sangguniang Panlunsod kaya ang lahat ng barangay. projects ay madali ng maaaprubahan . Nanawagan rin siya ng pagkakaisa at sinabi pa niyang ang mga bagong halal na punong barangay ay siyang “alkalde” ng kani-kanilang nasasakupang barangay.
Dumalo sa ginawang mass oath-taking ang 80 Punong Barangay, 560 Kagawad ng Sangguniang Barangay; 79 SK Chairman at 453 SK Kagawad. Walang SK Chairman sa Barangay. VII-D sapagkat walang ngfile ng certificate of candidacy. (CIO-San Pablo City)
News reporting is too vague, please include names of the elected officials & locations.
ReplyDelete