Calamba City (24 November) -- Kinumpirma ng Department of Labor and employment (DOLE) IV-A na malaki ang pagkakataon na magkaroon ng dagdag sahod ang mga ordinaryong manggagawa bago mag-Pasko.
Sinabi ni Atty. Ricardo Martinez Jr., Director ng DOLE IV-A,na pinaplantsa na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang usapin ukol sa umento sa pasweldo.
Hinihirit ng mga ordinaryong manggagawa ang P75 across the board wage hike subalit inamin ng DOLE na hindi nila maibibigay ito ng buo at magdedepende sa maraming factors tulad ng ekonomiya ng rehiyon at ang kakayahan ng pribadong kumpanya na magdagdag sahod.
Idinagdag pa ni Martinez na magsasagawa na ang kanilang tanggapan ng deliberation upang makabuo ng isang wage order ukol dito. (PIA CALABARZON)
Comments
Post a Comment