Kayo bang magkasintahan ay kapuwa Catolico na nangangarap na makasal sa Katedral sa darating na araw ng mga puso o Valentine Day? Subalit kayo ay nangangamba na ito ay manatiling pangarap lamang, dahil sa kalakarang malaki ang nagugugol sa isang pormal na kasalang ginaganap sa loob ng simbahan.
Magkakaroon ng katuparan ang inyong pangarap kung tatanggapin ninyo ang paanyaya ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago, makilahok sa maramihan at sama-samang pagpapakasal na kanyang itataguyod at tatangkilikin sa darating na Lunes, Pebrero 14, 2011, sa San Pablo City Cathedral.
Ang dapat lamang gawain ng mga magkasintahang balak na magpakasal sa darating na taon, ay makipag-ugnayan sa Tanggapan ni Congresswoman Ma. Evita R. Arago na nasa Siesta Residencia de Arago sa Green Valley Subdivision sa Barangay San Francisco na may telepono bilang (049) 801-3109, upang kayo ay mapayuhan sa mga bagay na dapat ninyong isagawa para kayo ay mabiyayaan ng palatuntunang kaniyang ilulunsad sa Araw ng mga Puso.
Ang mga nais magpakasal sa darating na Valentine Day ay makabubuting ngayon pa ay asikasuhin na nila ang pagkuha ng Marriage License sapagka’t may mga ikakasal na ang mga magpapakasal ay hihingian ng “Certificate of Non-Marriage (CENOMAR” na hinihiling sa National Statistics Office (NSO) ay karaniwang bumibiling ng apat (4) na linggo bago ito maipagkaloob, dahil sa ang isinasagawang pananaliksik ay sa buong Pilipinas. Hindi naman masamang kumuha kaagad ng Marriage License, sapagka’t ito naman ay may bisa sa loob ng 100 araw. (Seven Lakes Press Corps)
Comments
Post a Comment