Salig sa kaisipang magtatagumpay at magiging kapakipakinabang ang pagpapalaki ng isda kung maayos at malulusog ang semilya ng lahi ng isdang aalagaan para palakihin, ay nasubukan nina Myrna A. Santelices at Elmer V. Santelices ng Catanduanes State Colleges sa Virac ang isang desinyo ng Portable Fish Hatchery, kung saan napatalang mataas ang hatching rate ng Tilapia na umabot sa 89%, at sa mga aquarium fishes, tulad ng swordtail at black molly.
Sa ulat na inilahad nina Santelices sa ginanap na 10th Zonal Research and Development Review na ginanap sa Ateneo de Manila University kamakailan, na na-monitor ng Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD).
Ang portable fish hatchery ay isang makinarya na may tatlong bahagi. Ang unang bahagi ay ang nagpapakilos sa tubig upang ito ay umagos sa tulong ng isang bumba na pinakikilos ng isang 2,000-watt motor, hatching/nursery trough para sa aktwal na pagpipisa ng mga itlog, at imbakan ng semilya o mga batang isda, na tinatayang magugugulan ng P11,550 para mabuo o ma-fabricate and assemble, na kung isasaalang-alang ang bilang ng semilya o fingerlings na mapipisa sa portable hatchery, ay kaagad mababawi ang puhunan o maikli ang panahon para sa return on investment (ROI). (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment