Manila (24 November) -- Ipinahayag na ng Department of the Interior and Local Government ang mga petsa ng halalan ng mga magiging bagong opisyales ng Liga ng mga Barangay sa antas na nasyonal, rehiyonal, probinsyal, at panglunsod/pangmunisipal.
Sinabi ni DILG Secretary Jesse Robredo na sa Disyembre 7 isasagawa ang halalan sa mga city and municipal chapters ng liga, at sa Disyembre 17 naman ang sa mga provincial chapters.
Samantala sa Enero 13 idaraos ang eleksyon ng mga regional officers, at sa Enero 14 pipiliin ang mga national officers.
Ayon kay Robredo ang pagkakaroon ng national, regional, provincial, city and municipal chapter ng Liga ng mga Barangay ay nakasaad sa Local Government Code of 1991 o Batas Republika Bilang 7160.
Dagdag pa ng kalihim na awtomatikong miyembro ng Liga ng mga Barangay ang lahat ng punong barangay na nahalal noong nakaraang Oktubtre 25, 2010.
Comments
Post a Comment