Ang lahat ng mga kasapi ng Laguna College High School (HUNTERS) Class 1955 Association, Inc. ay inaanyayahang dumalo sa taunang pagtitipon sa darating na Sabado, Enero 8, 2011 sa Tahanan sa Bukid ni Pangulong Erlinda R. Reyes sa kahabaan ng national road sa Barangay Santo Angel, simula sa ika-9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon.
Ayon kay Pangulong Linda, ang pagtitipon-tipon ay “simpleng kainan,“ na bagama’t may mga nananagot sa pagsasalu-salunang pagkain, ang mga kanyang naging kamag-aaral sa high school na may-aari ay nais na magdala ng sarili niyang paboritong lutuin, panghimagas, at dessert, ay malayang makakapagdala nito na inaasahang makakapagbigay ng saya sa mga dadalo.
Gayon pa man, binibigyan ng diin ni Pangulong Linda na ang higit na mahalaga ay ang pagdalo ng kasapi, at huwag mag-aalaalang darating silang walang dala.
Nanungkulang Pangulo ng samahan sa Taong 2009-2011, sinabi ni Pangulong Linda R. Reyes na sa pagtitipon-tipong nabanggit ay gaganapin ang halalan ng bagong pangulo na manunungkulan sa Taong 2011-2013.
Para sa karagdagang kabatiran, o pakikipag-ugnayan, ay maaaring tumawag kay Pangulong Linda Reyes sa telepono bilang (049) 561 2555, o kay Kalihim Zeny Ananias-Belen sa telepono bilang (049) 562 3490. (Ruben E. Taningco, Class PRO)
Comments
Post a Comment