SAN PABLO CITY – Napag-alaman mula kay Ambray Elementary School Principal Rodel A. Baclig na Enero pa lamang ay kinikilala na ng mga namamahala ng mga paaralan ang mga mapapansing kasiraan sa mga gusali at kagamitan na dapat isaayos bago buksan ang susunod na taong panuruan sa ilalim ng Palatuntunang Brigada Eskwela na binalangkas at ipinatutupad ng Kalihim ng Edukasyon.
Dito na lamang sa Division of San Pablo City, nabanggit ni Baclig na malaking tulong ang Palatuntunang Brigada Eskwela ng nilalahukan, hindi lamang ng mga bumubuo ng Parents-Teachers and Community Association (PTCA), kundi maging ng mga bumubuo ng organisasyon sa paglilingkod at kasapi ng mga samahang sibiko, kasama na ang mga reservist association ng Philippine Army, para maisaayos ang mga may kasiraan ng bahagi ng gusaling pampaaralan.
Sa karanasan sa lunsod na ito, ang karaniwang naisasaayos bago buksan ang bagong school year, ang pagri-repair ng mga sirang kisame; pagpapasta ng mga may tulong bubong;
pagsasaayos ng mga sirang bakod; at pagsasaayos o trimming ng mga malalaking punong kahoy upang ang kabuuan ng campus ay maging ligtas at maaliwalas para sa mga batang mag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay ipinatutupad sa mga yunit ng paaralang elementarya at sekondarya sa lunsod, pag-uulat ng punong guro (Ruben E. Taningco)
Comments
Post a Comment